Please use this identifier to cite or link to this item: http://dspace.cas.upm.edu.ph:8080/xmlui/handle/123456789/501
Title: Tulong: isang interpretibong pagsasaliksik ng katiwaliang makikita sa disaster relief at post-disaster recovery
Authors: Dador, Lance Cedric Egay
Keywords: Disaster Relief Operation
Post-disaster Recovery
Corruption in Disaster Relief
Issue Date: 2012
Abstract: Layunin ng pag-aaral na alamin ang perception ng mga nasalanta ng isang sakuna sa katiwaliang nagaganap sa pamamahagi ng tulong at ng mga pangunahing pangangailangan. Layunin din ng pag-aaral na malaman ang ilan sa mga dahilan kung bakit ito nangyayari sa kontexto ng kultura. Nakita sa pag-aaral na pangkaraniwan ang paniniwala na makatutulong ang pagkakaroon ng malawak na solidarity network sa oras ng kagipitan, tulad ng sakuna. Nakita sa pag-aaral na may matibay na ugnayan ang paniniwala na makatutulong kung malapit ang isang nasalanta sa isang taong namamahagi ng relief goods, sa paniniwala na ang mga taong malapit sa namamahagi ng tulong ang unang nabibigyan ng relief goods. Nakita rin sa pag-aaral ang malaking epekto ng ating pagpapahalaga sa solidarity networks sa pagkukubli ng katiwalian. Pinahahalagahan ng mga tao ang kanilang solidarity networks dahil hindi kaya ng pamahalaan na ibigay ang kaukulang serbisyo na kailangan nila. Sa pamamagitan ng solidarity networks, nakukuha nang isang tao ang kaniyang mga pangangailang.
URI: http://dspace.cas.upm.edu.ph:8080/xmlui/handle/123456789/501
Appears in Collections:BA Political Science

Files in This Item:
File Description SizeFormat 
CD-H25.pdf
  Until 9999-01-01
1.46 MBAdobe PDFView/Open Request a copy


Items in DSpace are protected by copyright, with all rights reserved, unless otherwise indicated.