Please use this identifier to cite or link to this item: http://dspace.cas.upm.edu.ph:8080/xmlui/handle/123456789/506
Title: Kauswagan para sa Tanan! (Kaunlaran para sa Lahat!) Bakit tinututulan ng masa ang land reclamation?
Authors: Almirante, Vanessa Jhene S.
Keywords: Land reclamation
Infrastructure and Development Projects
Philippine Reclamation Authority
Issue Date: Apr-2012
Abstract: Sa kasalukuyan, ating mapapansin na maraming naglalakihang mga gusali at iba't-ibang imprastraktura ang naipapatayo hindi lamang ng pamahalaan kundi lalo na ng mga pribadong sektor sa lipunan. At dahil sa dami ng bilang ng gusaling naipapatayo sa bansa ay nagkukulang na ang lupang mapagtatayuan ng mga gusaling ito. Land reclamation ang naging solusyon sa problemang ito. Dahil sa reklamasyon ng lupa, nabigyan ng daan ang pagpapatayo ng iba't-ibang proyekto ng gobyerno kasama na rin ang ibang pribadong sektor. Ang layunin umano ng mga proyektong ito ay ang wasto at maayos na paggamit at pamamahala ng mga ari-arian ng gobyerno. Ilan lamang sa mga maaaring gawin ay ang pagpapatayo ng mga high rise buildings gaya ng mga hotels, call center companies, resorts kasama na ang mga floating restaurants na higit na makakatulong upang maka-engganyo ng maraming turista ang ating bansa. Para sa pamahalaan, ang mga proyekto ito ay makakatulong upang maisulong ang pag-unlad ng lipunan at ng ating ekonomiya (Philippine Reclamation Authority, 2011). Ang mga development projects na kaakibat ng pagreklama ng lupa ay makakatulong nga sa pag-unlad ng bansa ayon sa gobyerno. Kung kaya't hindi na nakakapagtaka kung bakit gayon na lamang ang pagsulong ng pamahalaan sa land reclamation dahil malaki ang benepisyong makukuha nito dito lalo pa sa pag-angat ng ating ekonomiya. Subalit sa kabila ng dalang pangako na kaunlaran ng land reclamation, labis naman ang naging pagtutol dito ng mga mamamayan. Masasabi bang ayaw nilang umunlad ang Pilipinas o di kaya ay sila ang hadlang sa pag-unlad ng ating bansa?
URI: http://dspace.cas.upm.edu.ph:8080/xmlui/handle/123456789/506
Appears in Collections:BA Political Science

Files in This Item:
File Description SizeFormat 
CD-H30.pdf
  Until 9999-01-01
1.77 MBAdobe PDFView/Open Request a copy


Items in DSpace are protected by copyright, with all rights reserved, unless otherwise indicated.