Please use this identifier to cite or link to this item: http://dspace.cas.upm.edu.ph:8080/xmlui/handle/123456789/516
Title: Sangguniang Kabataan, gaano ka-epektibong nakapaghahatid ng serbisyo?
Authors: Flores, Ma. Genelyn P.
Keywords: Sangguniang Kabataan
Youth Leader
Issue Date: 2012
Abstract: Ayon sa ating pambansang bayani na si Gat. Jose Rizal, "Ang kabataan ay pag asa ng bayan." Masasabi natin na ang mga kabataan ay isang mahalagang salik para sa pag unlad ng bansa sapagkat nasa kanilang mga kamay ang paghubog sa hinaharap. Ang ating bansa ay may liderato para sa kabataan na tinatawag na Sangguniang Kabataan. Ang Sangguniang Kabataan ay organisasyon na kakatawan at maglilingkod sa mga kabataan, layunin din ng Sangguniang Kabataan na isulong ang interes ng mga kabataan at gumawa ng mga proyektong makabubuti para sa mga ito. Ang Sangguniang Kabataan sa ngayon ay nahaharap sa positibo at negatibong pag-kakakilala. Ang pangunahing tungkulin ng Sangguniang Kabataan ay ang pagsulong sa kakayahan ng mga kabataan sa pamumuno sa pamamagitan ng epektibong pagkatawan nito sa mga kapwa kabataan bilang isang youth leader. Nais ng babasahing ito na tukuyin ang importansya ng Sangguniang Kabataan bilang epektibong naghahatid ng representasyon sa mga kabataan. Ang pagsasaliksik na ito ay magpopokus sa pag-alam sa kaluguran ng mga kabataan bilang mga nakabebenipisyo sa representasyon na inihahatid ng Sangguniang Kabataan. Importante ang pagtukoy sa kasagutan sa tanong na ito sapagkat dito ay malalaman natin kung maayos bang naihahatid ng SK ang serbisyo na inaasahan sa kanila ng mga kabataan.
URI: http://dspace.cas.upm.edu.ph:8080/xmlui/handle/123456789/516
Appears in Collections:BA Political Science

Files in This Item:
File Description SizeFormat 
CD-H39.pdf
  Until 9999-01-01
362.49 kBAdobe PDFView/Open Request a copy


Items in DSpace are protected by copyright, with all rights reserved, unless otherwise indicated.