Please use this identifier to cite or link to this item:
http://dspace.cas.upm.edu.ph:8080/xmlui/handle/123456789/518
Title: | Babaeng Hangin: iang pag-aaral sa inam ng pinaghalong serbisyo ng PGH Rape Crisis Center at ng Welcome House Temporary Shelter |
Authors: | Pallon, Anna Leah Pedro |
Keywords: | PGH Rape Crisis Center Welcome House Temporary Shelter |
Issue Date: | 2012 |
Abstract: | Bilang panimula sa pananaliksik na ito, hayaan niyo akong magbahagi ng bisang kwento na hango mula sa buhay ng mananaliksik. Hindi ko kayang ibaon sa matatamis na salitang walang pag-iimbot ang tunay na hangarin ko sa pagpili ng rape crisis center bilang paksa ng aking tisis Isang malamig na madaling araw, ka-oras halos ng pagkamatay ng Diyos, itinakbo siya sa ospital. Kapangalan niya ang hangin. Maganda siya, matalino, matapang, at ang natatangi lamang niyang pagkakamali ay ang lumabas sa kahon ng pagiging babae – isang hindi mapapatawad na kasalanan, ayon sa lipunan. Umuulan ng malakas noong araw na iyon, na mistulan bang nagtatangis ang inang kalikasan para sa kaniyang mga nilapastangang anak. Ang panahon at malamig din ang pagtrato ng mga duktor. Walang ob-gyne na mula sa rape crisis unit ng naturing hospital kaya’t pinagtulakan kami sa ward. Pagkatapos makatanggap ng babaeng hangin ng sandamakmak na mura mula sa mga lapastangang nilalang mula sa sinumpang ward na iyon, ang kasunod naming hinarap ay ang paghanap ng pansamantalang matitigilan ng babaeng hangin. Ngunit puno lahat ng temporary shelter. [Panimula] |
URI: | http://dspace.cas.upm.edu.ph:8080/xmlui/handle/123456789/518 |
Appears in Collections: | BA Political Science |
Files in This Item:
File | Description | Size | Format | |
---|---|---|---|---|
CD-H41.pdf Until 9999-01-01 | 373.43 kB | Adobe PDF | View/Open Request a copy |
Items in DSpace are protected by copyright, with all rights reserved, unless otherwise indicated.