Please use this identifier to cite or link to this item: http://dspace.cas.upm.edu.ph:8080/xmlui/handle/123456789/525
Title: POLLitika: eksistensya ng tunggalian ng interes sa mga polling organization na nagsasagawa ng mga pre-election poll sa bansa: isang pananaliksik ng paghahambing sa STRATpolls, Inc. at Social Weather Station (SWS).
Authors: Darum, Mikaella F.
Keywords: Pre-election Poll
Social Weather Station (SWS)
STRATpolls, Inc.
Polling Firms
Polling Firm Credebilities
Issue Date: 2013
Abstract: Bahagi na ng bawat eleksyon na nagaganap ang paglabas ng mga poll na naglalahad ng mga nangungunang kandidato ayon sa publiko. Subalit talaga nga bang kapani-paniwala ang mga preelection poll na ito? May kredibilidad ba ang mga polling organization na nagsasagawa nito? Papaano kung may tunggalian na interes na nagaganap sa pagsasagawa ng mga ito? Ang pananaliksik na ito ay isang case study sa profit-oriented na polling firm na STRATpolls. Ginamit ang SWS bilang kaso para sa paghahambing. Sa pagsusuri at paghahambing sa dalawa, napatunayan ang eksistensya ng tunggalian ng interes (pampubliko at pampribado) sa kumpanyang STRATpolls at maging sa SWS. Gumamit ng anim na pamantayan sa pagsusuri sa dalawang polling organization: 1.) Oryentasyon, 2.) Track Record at Katagalan sa Industriya, 3.) Metodolohiya, 4.) Transparensiya, 5.) Akreditasyon at 6.) Publicity. Gumamit ng panayam (key informant at email interview), survey, at archival research para sa pangangalap ng datos sa pananaliksik na ito. Purposive sampling ang ginamit sa pagpili ng mga key informant at snowball sampling naman para sa survey dahil sa limitasyon ng oras. Coding at content analysis naman ang ginamit para suriin ang mga nakalap na datos. Sa pag-usad ng pananaliksik na ito, napag-alaman na mayroong kakulangan ang STRATpolls at maging ang SWS sa mga nabanggit na salik ng kredibilidad. Napatunayan rin ang eksistensya ng tunggalian ng interes sa mga nabanggit na polling organization.
URI: http://dspace.cas.upm.edu.ph:8080/xmlui/handle/123456789/525
Appears in Collections:BA Political Science

Files in This Item:
File Description SizeFormat 
CD-H48.pdf
  Until 9999-01-01
561.52 kBAdobe PDFView/Open Request a copy


Items in DSpace are protected by copyright, with all rights reserved, unless otherwise indicated.