Please use this identifier to cite or link to this item:
http://dspace.cas.upm.edu.ph:8080/xmlui/handle/123456789/533
Title: | Pati sa libro,, si Nena ay dehado paano naipapakita ang pagtatangi laban sa kababaihan sa mga batayang aklat? |
Authors: | Pormento, Rachelle Anne M. |
Keywords: | Gender bias Gender equality Gender bias in education Gender sensitivity |
Issue Date: | Mar-2013 |
Abstract: | Nilalayon ng pag-aaral na ito na matukoy kung ang mga nilalaman ng batayang aklat na patungkol sa gender ay nagpapakita ng gender bias, malaman at masuri ang proseso ng pagpili ng Kagawaran ng Edukasyon ng mga gagamiting batayang aklat ng mga mag-aaral sa pampublikong paaralan lalo't higit ang mga mekanismo patungkol sa gender gayundin upang matukoy ang ugat ng pagkakaroon ng gender bias sa mga batayang aklat. Siniyasat ang gender dimension ng batayang aklat sa Ingles ng mga mag-aaral sa ika-unang baitang sa mga pampublikong paaralan sa Pilipinas, English Expressways 1. Inanalisa ang mga nilalaman nito patungkol sa gender batay sa 1) invisibility, 2) stereotyping, at 3) pagkiling sa gamit na wika. Gayundin ay inisa-isa ng mananaliksik ang pinagdaanan ng batayang aklat bago ito maaprubahan at ipagamit sa mga magaaral. Binigyang pokus ang mga mekanismo ng Kagawaran ng Edukasyon na may kaugnayan sa gender dimension ng mga aklat. Napag-alaman na nanananatiling dominante at may pagkiling sa mga kalalakihan ang batayang aklat na nasa ilalim ng pag-aaral sa kabila ng mga mekanismo ng Kagawaran ng Edukasyon upang matiyak ang pagiging gender sensitive ng mga aklat. Sa linyang ito ay napag-alamang ang mga mekanismo ay sa mababaw na lebel ng compliance lamang maikakategorya. Gayundin ay may butas at mababaw lamang ang mga ito upang masigurado ng wala ng bahid ng pagkiling sa kahit anumang gender ang mga batayang aklat. Sa pagtatapos ng pag-aaral ay nagbigay ng mga rekomendasyon ang mananaliksik. Una ay Pagpapalaganap at pagpapalalim ng diskurso ukol sa gender sa ahensya, linangin ang gender fairness na konsepto ng mga kawani at umuo ng sariling hanay ng mga ekspertong magtatasa at magpatupad ng mga polisiyang hindi lamang sumusunod sa batas ukol sa pagkakapantay-pantay ng mga kasarian ngunit polisiyang nagtataguyod ng gender equality at equity. |
URI: | http://dspace.cas.upm.edu.ph:8080/xmlui/handle/123456789/533 |
Appears in Collections: | BA Political Science |
Files in This Item:
File | Description | Size | Format | |
---|---|---|---|---|
CD-H56.pdf Until 9999-01-01 | 1.16 MB | Adobe PDF | View/Open Request a copy |
Items in DSpace are protected by copyright, with all rights reserved, unless otherwise indicated.