Please use this identifier to cite or link to this item: http://dspace.cas.upm.edu.ph:8080/xmlui/handle/123456789/570
Title: Kalsada tungo sa katarungan: mga paraan kung paanong nakatutulong sa mga kapamilya ng mga biktima ng political killings at enforced disappearances ang pagsali sa mga kilos-protesta
Authors: Montaño, Allan Paul Bernas
Keywords: Student activism
Rallies and demonstrations
Protest movements
Enforce disappearances
Extra-judicial killing
Issue Date: Mar-2010
Abstract: Ang Unibersidad ng Pilipinas ay isang pang-akademikong institusyon na sikat sa pagkakaroon nito ng mga progresibong estudyante. Sinasabi pa nga na hindi na maalis sa pamantasang ito ang likas na pagiging aktibista ng mga estudyante nito. Simula pa lamang noong dekada '30 ay kilala na ang U.P. sa pagbatikos sa maling gawain ng pamahalaan. Maraming uri o porma ang aktibismo - mula sa pagdalo sa mga kilos protesta, pagsusulat at maging sa pagba-blog ay maituturing na aktibismo. Ang aktibismo kasi ay karaniwang binibigyang kahulugan bilang pagkilos upang sumuporta o sumalungat sa isang partikular na layunin o cause (Farlex, 2009). Samu't sari rin ang mga dahilan kung kaya nagkakaroon ng mga protesta, karaniwan ito ay may kinalaman sa sektor na kanilang kinabibilangan (Andrain & Apter, 1995). Isa mga unang tanong na ibinato sa akin ng isang respetadong propesor noong ako ay nasa unang taon pa lamang ay kung ilang aktibista na daw ba ang namatay sa ilalim ng rehimeng Arroyo. Hindi ako nakasagot. Hindi ko inakala na sa simpleng tanong na iyon magmumula ang inspirasyon upang maisulat ko ito. Hindi maitatanggi na hanggang sa ngayon, matunog pa rin ang salitang aktibismo at maririnig pa rin sa mga kalye ang sigaw ng mga aktibista. Sa ngayon, isa sa mga pinakamalakas na sigaw ay ang hiyaw na nananawagan para sa katarungan ng mga taong pinaniniwalaang pinaslang o dinukot sa hindi pa maipaliwanag na dahilan. Ito ay ang mga kaso ng enforced disappearances at political o extrajudicial killings. Sa kabila ng mahaba at matagal nang pakikipaglaban para sa katarungan, bakit kaya nanatiling malakas ang mga sigaw? Ang mga katanungang ito ay naglalayon na matukoy ang anumang naidudulot ng pagsali sa kilos-protesta sa konteksto ng mga kapamilya ng mga biktima ng political killings at enforced disappearances. Layunin ng pag-aaral na ito na maintindihan kung bakit sa isang sistema na tila hindi pinakikinggan ang boses ng sambayan, patuloy pa rin ang pagdami ng mga taong sa kalsada naghahanap ng hustisya. [Panimula]
URI: http://dspace.cas.upm.edu.ph:8080/xmlui/handle/123456789/570
Appears in Collections:BA Political Science

Files in This Item:
File Description SizeFormat 
CD-H93.pdf
  Until 9999-01-01
348.71 kBAdobe PDFView/Open Request a copy


Items in DSpace are protected by copyright, with all rights reserved, unless otherwise indicated.