Please use this identifier to cite or link to this item:
http://dspace.cas.upm.edu.ph:8080/xmlui/handle/123456789/605
Title: | Gutom na sikmura o pakikilahok sa pamamahala? Isang pag-aaral tungkol sa pagtingin nga mga apektadong mamamayan ng brgy. Malacaban tungkol sa kanilang pakikilahok sa pamamahala ng Laguna de Bay |
Authors: | Bagtas, Bryan Joseph F. |
Keywords: | Participatory governance Community participation Laguna de Bay Laguna Lake Development Authority PAMALAKAYA |
Issue Date: | Mar-2013 |
Abstract: | Ang Laguna de Bay ay isang mahalagang likas na yamang-tubig na dapat pangalaagaan at pamahalaan ng ayos. Kaakibat ng kayamanan taglay nito ay ang pagiging bulnerable nito sa napakaraming aktor na gustong pakinabangan ang lawa para sa kanilang pansariling interes. Binuo ang Laguna Lake Development Authority upang pangalagaan at pamahalaan ang buong Laguna de Bay para sa pangkalahatang pag-unlad hindi lamang ng lawa kundi lahat ng nakapalibot dito. Dahil sa mga naunang pag-aaral sa ibang bansa na mahalagang sangkap ng pangangalaga ng likas na yaman ang pakikilahok ng mga apektadong mamamayan, tinignan rin kung nangyayari ba ito sa Laguna de Bay. Ginawang case study ang kasalukuyang pakikilahok na ginagawa ng mga apektadong mamamayan ng Barangay Malacaban sa pamamahala at pangangalaga ng lawa kaakibat ang lokal na pamahalaan, LLDA at PAMALAKAYA upang maipaliwanag ang possible epekto ng participatory governance sa Laguna de Bay. Nangalap ng datos ang pag-aaral sa pamamagitan ng pakikipanayam sa mga eksperto at mga mamamayan upang malaman ang kasagutan sa mga katanungan ng pag-aaral. Lumabas sa pag-aaral na nasa antas ng token na pakikilahok ang mga tao at sila ay disempowered dahil sa kahirapan ng buhay. Magulo ang interaksyon ng mga aktor sa pamamahala ng lawa at kulang ang kapasidad ng mga mamamayan. Inaasa sa mga nakapangyarihan at NGO ang pagbabago sa ganitong sistema. Ang makabuluhang pakikilahok lamang ang magiging solusyon upang makami ang mga nakitang ikabubuti ng pamamahala at pangangalaga ng lawa na mula sa tao at para sa tao. |
URI: | http://dspace.cas.upm.edu.ph:8080/xmlui/handle/123456789/605 |
Appears in Collections: | BA Political Science |
Files in This Item:
File | Description | Size | Format | |
---|---|---|---|---|
H139.pdf Until 9999-01-01 | 496.74 kB | Adobe PDF | View/Open Request a copy |
Items in DSpace are protected by copyright, with all rights reserved, unless otherwise indicated.