Please use this identifier to cite or link to this item: http://dspace.cas.upm.edu.ph:8080/xmlui/handle/123456789/686
Full metadata record
DC FieldValueLanguage
dc.contributor.authorRico, Princess Dianne N.-
dc.date.accessioned2021-08-10T01:44:41Z-
dc.date.available2021-08-10T01:44:41Z-
dc.date.issued2016-04-
dc.identifier.urihttp://dspace.cas.upm.edu.ph:8080/xmlui/handle/123456789/686-
dc.description.abstractSa pabagu-bagong sitwasyon sa lipunan at kapaligiran tulad ng mga pagbabago sa klima, dami ng tao sa isang lugar, kondisyon sa kalinisan ng bawat komunidad, pagkasira ng mga gubat at kabundukan, iba’t ibang suliranin ang kaakibat. Kasabay ng mga pagbabagong ito ang hindi maiiwasang bunga hindi lamang sa ating kapaligiran kundi pati na rin sa ating kalusugan. Bilang ang Pilipinas ay kabilang sa mga bansang tropikal o mga bansang malapit sa rehiyon ng ekwador, nakararanas lamang ito ng panahon ng tag-araw at tag-ulan. Dahil dito, ang Pilipinas ay bulnerable sa mga tropikal na sakit o mga mosquito-borne diseases tulad ng dengue. Sa maraming taong lumipas, walang tiyak na gamot at bakuna sa sakit na dengue. Dahil dito, iba’t ibang programa at kampanya tulad ng Aksyon Barangay Kontra Dengue ang nabuo na pinangungunahan ng iba’t ibang ahensya ng pamahalaan. Ang ABKD ay isang community-based approach na siyang nagbibigay disenyo at rekomendasyon ng mga nararapat gawin upang bigyang pansin at isakatuparan ng mas mabababang yunit sa lipunan. Subalit sa kabila ng mga mahuhusay na alintuntuning nakapaloob sa ABKD, nananatiling mababa ang paglahok ng komunidad sa usapin ng pag-organisa at pagtupad sa mga tungkulin. Ilan sa mga representasyon nito ay ang mababang kamalayan ng mga ordinaryong mamamayan, kawalan ng boses sa pagdedesisyon, at kawalang suporta at pagsubaybay sa mga tungkulin ng mga nasa mataas na posisyon sa komunidad. Tinukoy naman na ang pagkakaroon ng mga hadlang tulad ng kawalan ng interes at kapangyarihan, mga di pagkakasundo at kahirapan ay nakadaragdag sa kahinaan ng komunidad sa paglahok. Sa tulong ng isang case study sa barangay Balangkas, Valenzuela City, natukoy ng mananaliksik ang lagay ng operasyon ng ABKD at siniyasat ang kakayahan nito sa pagkakaroon ng aktibong paglahok ng komunidad sa pamamagitan ng (1) Community Organization Theory at (2) Stages of Change Theory.en_US
dc.language.isootheren_US
dc.titleLiving dengue-rously? Mag-ABKD! Ang operasyon ng aksyon barangay kontra dengue at ang paglahok ng komunidad laban sa banta sa pangkalahatang kalusugan.en_US
dc.typeThesisen_US
Appears in Collections:BA Political Science

Files in This Item:
File Description SizeFormat 
CD-H233.pdf
  Until 9999-01-01
836.56 kBAdobe PDFView/Open Request a copy


Items in DSpace are protected by copyright, with all rights reserved, unless otherwise indicated.