Please use this identifier to cite or link to this item:
http://dspace.cas.upm.edu.ph:8080/xmlui/handle/123456789/763
Title: | Talambuhay politikal ni Obispo Francisco Claver, SJ: ang relasyong simbahan at estado sa Prelatura ng Malaybalay, Bukidnon sa kapanahunan ng Batas Militar ni Marcos. |
Authors: | Bolico, Gerard Porf M. |
Keywords: | Bishop Francisco Claver, SJ Church and State Relation |
Issue Date: | May-2019 |
Abstract: | Sa panahon bago ang Batas Militar ay nakita ang Malaybalay, Bukidnon bilang isang lugar na mapayapa at hitik sa mga likas na yaman kaya naman ay naging lugar ito ng mga migrante na nag-nais tumakas sa gera at iba pang kaguluhan sa iba‘t-ibang panig ng Mindanao. Dahil dito, naging interesadong lugar ang Malaybalay sa mga Kapitalista na unti-unting sumakop sa mapayapang lupain. Sa pagdating ng mga kapitalista at pagpasok ng Batas Militar ni Marcos ay pumasok ang mga kaguluhan at pagbabago sa Bukidnon. Ang dating lugar na mapayapa ay naging lugar ng agawan ng lupa at militarisasyon. Kakikitaan ang Bukidnon bilang isang estratehikong lugar para sa pagkontrol ng Mindanao kung saan sentro ito ng Cotabato Del Norte, Lanao Del Norte, Davao Del Norte at Agusan Del Sur na tulay upang makontrol ang ekonomiya at politika sa malaking bahagi ng Mindanao. Sa panahong ito ng Batas Militar ay pumasok ang Heswitang Obispo ng Malaybalay, Bukidnon na si Obispo Francisco Claver, SJ. Nagsimula siyang maging Obispo sa Bukidnon taong 1969 at taong 1972 nang ipasabatas ang Batas Militar ay nagsimulang ipakita ng Obispo ang kanyang angking kadakilaan lalo na sa aspeto ng pagtatanggol at pag-oorganisa sa mamamayan laban sa mga pang-aabuso sa karapatang pantao ng Batas Militar ni Marcos. Gayundin ay naipakita ang pag-aaklas ng mamamamayan laban sa mga pag-atake sa kanila sa probinsya ng Bukidnon. Ninanais ng pag-aaral na ito na ipatampok ang kasaysayan ng pagkilos ng mamamayan sa pamamagitan ng pagsasaliksik ukol sa mga dokumento hinggil sa pamumuno ni Obispo Francisco Claver,SJ sa probinsya ng Bukidnon. Nilalayon ng pag- aaral na ito na magdagdag ng dokumento hinggil sa kung paanong ang mamamayan ay tumugon sa mga hamon ng Batas Militar ni Marcos gayundin ay maipatampok ang lugar ng simbahan sa panahon ng mga sigalot at napapanahong isyung pambayan sa Pilipinas at makapagpakita ng pamamaraan ng pagkilatis sa kung paanong bibigyang-atensyon ang kasaysayan ng pagtugon ng mamamayan laban sa pang-aabuso at pag-atake ng estado. |
URI: | http://dspace.cas.upm.edu.ph:8080/xmlui/handle/123456789/763 |
Appears in Collections: | BA Political Science |
Files in This Item:
File | Description | Size | Format | |
---|---|---|---|---|
CD-H285.pdf Until 9999-01-01 | 20.53 MB | Adobe PDF | View/Open Request a copy |
Items in DSpace are protected by copyright, with all rights reserved, unless otherwise indicated.