Please use this identifier to cite or link to this item: http://dspace.cas.upm.edu.ph:8080/xmlui/handle/123456789/962
Title: Tiis-tser: isang komparatibong pag-aaral sa kondisyon sa pagtatrabaho ng mga high school teacher sa pampubliko at pribadong paaralan sa Angono, Rizal
Authors: Caña, Hannah Hasmin Macalintal
Keywords: High school teacher
Issue Date: Mar-2013
Abstract: Upang makapaghatid at makapagbigay ng mataas na kalidad ng edukasyon, kinakailangan na gawin ng paaralan ang kanyang makakaya upang makapanghikayat, mapaunlad at mapanatili ang mga epektibong guro. Kaya naman ang kondisyon ng pagtatrabaho ay mayroong importanteng gampanin kung paano ito mapagtatagumpayan ng paaralan. Unappreciated, overworked and underpaid. Ito ang mga katangiang naglalarawan sa kasalukuyang kondisyon sa pagtatrabaho ng mga guro sa ating bansa. At hindi rin maikakailang ang mga salitang ito ang siyang nagtutulak sa ating mga guro upang iwanan ang kanilang sariling bayan, at maghanap na lamang ng mas magandang oportunidad sa dayuhang lupain. Sa pag-aaral na ito ay natuklasan ng mananaliksik na unappreciated, overworked and underpaid ang mga guro sa Angono, Rizal sa parehong pampubliko at pribadong paaralan. Bagamat malaki ang pagkakaiba sa katangian ng trabaho at kondisyong kanilang kinahaharap at nararanasan, hindi pa rin maiaalis ang katotohanang iisa lamang ang hinaing at isinisigaw ng mga gurong ito upang mas mapaganda pa ang kanilang kinabukasan.
URI: http://dspace.cas.upm.edu.ph:8080/xmlui/handle/123456789/962
Appears in Collections:BA Development Studies

Files in This Item:
File Description SizeFormat 
CD-E132.pdf
  Until 9999-01-01
1.03 MBAdobe PDFView/Open Request a copy


Items in DSpace are protected by copyright, with all rights reserved, unless otherwise indicated.