DSpace Repository

Ang Kahulugan, Kahalagahan, at Kagawian ng mga Ayta ng Botolan, Zambales Ukol sa Panaginip

Show simple item record

dc.contributor.author De Guzman, Josef Adriel O.
dc.date.accessioned 2022-07-28T23:47:45Z
dc.date.available 2022-07-28T23:47:45Z
dc.date.issued 2014-03
dc.identifier.uri http://dspace.cas.upm.edu.ph:8080/xmlui/handle/123456789/1311
dc.description.abstract Bunga sa isang salaysay tungkol sa panaginip na nakalap mula sa pakikipanayam sa mga Ayta patungkol sa kanilang pananaw tungkol sa pagmamay-ari ng lupa, nabuo ang isang pagsasaliksik na naglalayong mapalalim pa ang nalalaman patungkol sa mga pananaw at paniniwala ng mga Ayta ukol sa panaginip. Layunin ng pananaliksik na ipakita ang mga paniniwala ng mga Ayta sa panginip at kung paano ito nakaapekto sa lipunang Ayta. Gamit ang lapit ng etnograpiya at penomenolohiya at ang mga pamamaraan ng ginabayang talakayan (focus group discussion) at pakikipanayam (interview), nakapanayam ang labingdalawang Ayta na may edad mula 14 hanggang 60 na napili sa pamamagitan ng snowball sampling upang malaman ang kanilang mga pananaw at paniniwala tungkol sa panaginip, na siya namang inayos sa pamamagitan ng pagsusuri ng mga tema (thematic analysis) at pagsusuri ng nilalaman (content analysis). Lumabas sa pakikipanayam ang tatlong lugar kung saan lumilitaw ang mga paniniwala ng Ayta sa panaginip – ang Kahulugan, Kahalagahan, at Kagawian. Sa Kahulugan lumabas ang mga konsepto ng Ayta sa panaginip kagaya ng taynəp o konsepto ng Ayta sa panaginip, ang nakəm o ang kaisipan ng tao na siyang dahilan ng pananginip, at ang alumati o ang masasamang panaginip ng mga Ayta. Sa Kahalagahan naman matatagpuan ang mga dahilan kung bakit mahalaga ang mga panaginip para sa mga Ayta sa kontekso ng kalusugan, pamilya, at hinaharap. Huli sa lahat ang Kagawian, kung saan tatalakayin ang mga kagawian ng mga Ayta patungkol sa panaginip kagaya ng pag-aanito, patayan, at ang pagbabahagi ng mga panaginip. en_US
dc.subject Aeta (Philippine people) en_US
dc.title Ang Kahulugan, Kahalagahan, at Kagawian ng mga Ayta ng Botolan, Zambales Ukol sa Panaginip en_US
dc.type Thesis en_US


Files in this item

This item appears in the following Collection(s)

Show simple item record

Search DSpace


Advanced Search

Browse

My Account