DSpace Repository

Isang Pagsusuri sa mga Sosyo-Ekonomikong Epekto ng Metro Taal-Tagaytay Development Plant (MTTDP) sa mga Magsasaka at Mangingisda sa Tanuan, Batangas

Show simple item record

dc.contributor.author Cristobal, Francis John
dc.date.accessioned 2022-10-20T07:07:34Z
dc.date.available 2022-10-20T07:07:34Z
dc.date.issued 2006
dc.identifier.uri http://dspace.cas.upm.edu.ph:8080/xmlui/handle/123456789/1716
dc.description.abstract Maraming magagandang tanawin sa Pilipinas kaya naman ang mga ito’y nais gawing lugar pang-ekoturismo ng pamahalaan upang maipakilala sa buong mundo. Ang mga proyektong pang-ekoturismo umano ang magbibigay proteksiyon sa mga magagandang tanawin sa iba’t ibang bahagi ng bansa. Ngunit sa kabila naman ng proteksiyong maibibigay sa kalikasan ay ang pagkasira ng kabuhayan ng mga mamamayang naapektuhan at maaapektuhan. Wala ding kasiguraduhan kung mapoproktehan ang kalikasan dahil sa karanasan mas lalo lamang itong nasisira dahil sa mga proyektong ito. Gaya ng iba pang lugar, isa ang Lawa ng Taal sa mga pinakamagandang likas na yaman ng bansa. Kaya naman ang pamahalaan ay nagpupursigeng idebelop at ienderso ito sa buong mundo bilang isang pangunahing lugar panturismo sa Pilipinas sa pamamagitan ng isang proyekto, ang Integrated Master Plan for Taal-Tagaytay (IMPTT) o mas kilala bilang Metro Taal-Tagaytay Development Plan (MTTDP). Naglalayon umano itong mapabuti ang kalagayan yaman ng lawa at kabuhayan ng mga taong nakapaligid dito. Ngunit imbes na mapabuti ang kalagayan ng mga mamamayan sa lugar, kawalan ng tirahan at kabuhayan ang naidulot nito at maidudulot pa. Gaya na lamang ng mga kaganapan sa anim na lakeshore barangay ng Tanauan kung saan may mga pinalayas na at nakaamba pang palayasin dahil sa proyektong ito. Ang pag-aaral na ito ay isinagawa upang alamin ang mga sosyo-ekonomikog epekto ng MTTDP sa mga mamamayan sa anim na lakeshore barangay ng Tanauan City sa lalawigan ng Batangas. Sa pag-aaral na ito’y napatunayang walang kabutihang naidulot at maidudulot ang proyektong nabanggit sa mga magsasaka, mangingisda at iba pang mamamayang naapektuhan at maaapektuhan sa anim na lakeshpore barangay. en_US
dc.language.iso other en_US
dc.title Isang Pagsusuri sa mga Sosyo-Ekonomikong Epekto ng Metro Taal-Tagaytay Development Plant (MTTDP) sa mga Magsasaka at Mangingisda sa Tanuan, Batangas en_US
dc.type Thesis en_US


Files in this item

This item appears in the following Collection(s)

Show simple item record

Search DSpace


Advanced Search

Browse

My Account