Abstract:
Nananatiling agrikultura ang gulugod ng ating ekonomya. Ngunit nananatili rin ang
katotohanang atrasado, maliitan at hiwa-hiwalay ang ating pagsasaka sa bansa. Mayorya ng
mga magsasaka ang walang sariling lupa. Nananatili rin ang alitan sa pagitan ng mga
magsasaka at ng mga panginoong maylupa. Sa ganitong kalagayan, itinuon ang esensya ng
pag-aaral na ito sa paglubog sa panlipunang problemang ito, at makarekomenda ng maaaring
solusyon dito. Pangunahing inalam ng pananaliksik ang kaugnayan ng takot sa pagpapanatili sa
sistemang nananaig sa lipunang Pilipino. Ang pang-ekonomyang takot at pampulitikang
takot o takot pangmilitar ang dalawang pangunahing takot na sinuri sa pananaliksik.
Ginabayan ng teoryang materyalismong istoriko ang pag-aaral. Gumamit naman ng
accidental sampling at Delphi method para sa metodolohiya para makakalap ng datos. Napatunayan sa pananaliksik na may kinalaman ang pang-ekonomyang takot at
pampulitika o pangmilitar na takot kung bakit nananatiling nakokontrol ng mga panginoong
maylupa sa Hacienda Luisita ang kalakaran ng laban sa lupa. Nagagamit ng mga panginoong
maylupa at mga kasabwat nila ang takot para manatiling pigil ang mga magsasaka para
lumahok sa direktang panawagan para sa kanilang karapatan sa lupa. Naging pangunahing mga rekomendasyon ang pamamahagi ng lupa, pagpapatigil sa rentahan ng tubo, pagpapatupad ng tunay na repormang agraryo at pagpapalayas sa mga militar sa loob ng
asyenda.