DSpace Repository

Isang Pagtatasa sa Karanasan sa Pagbubuo ng Unyon sa Dalawang Piling Pagawaan sa Metro Manila

Show simple item record

dc.contributor.author de Guzman, Marikris D.
dc.date.accessioned 2023-03-20T06:39:04Z
dc.date.available 2023-03-20T06:39:04Z
dc.date.issued 2008-03
dc.identifier.uri http://dspace.cas.upm.edu.ph:8080/xmlui/handle/123456789/1961
dc.description.abstract Sa kabuuan, ang pag-aaral na isinagawa ay naglalayong matasa ang dalawang piling unyon sa pagawaan sa Metro Manila. Tinignan nito ang persepsyon ng mga manggagawa tungkol sa kahalagahan ng pagbubuo ng unyon at ang relasyon nito sa kanilang paggampan ng kanilang gawain bilang mga kasapi ng unyon. Layunin din nitong matignan ang mga gawain ng unyon, ang istruktura nito, ang paggawa ng desisyon, ang collective bargaining nito at paghambingin ang dalawa upang makita kung alin ang mas epektibo o kung pareho ba silang epektibo. Ang manunulat ay gumamit ng mga libro at babasahin tungkol sa kasaysayan ng unyonismo sa Pilipinas at sa mga gabay sa pag-uunyon at iba pang kaugnay na literatura. Gumamit din ang awtor ng kwalitatibong pananaliksik gayundin ang kwantitabong pananaliksik gamit ang talatanungan na siyang sinagutan ng mga manggagawa sa dalawang pagawaan. Tinignan din kung paano ang pagtrato ng manedsment sa mga miyembro ng unyon gamit ang istoriko materyalismong pananaw na nakatuon sa relasyon ng produksyon. Ang manunulat ay may konklusyon na ang dalawang unyon ay naging epektibo sa pagsulong ng interes ng mga kasapi nito at kapwa manggagawa sa loob ng pagawaan subalit ang unyon sa pagawaang Asahi ang mas higit na komprehensibo at mas marami ang benepisyo sa kanilang Collective Bargaining Agreement. Ang dalawang unyon ay masasabing naging epektibo sapagkat natutugunan nito ang mga problema ng mga manggagawa sa loob ng pagawaan gayundin naman aktibo silang nakikilahok sa mga isyung pambansa. en_US
dc.title Isang Pagtatasa sa Karanasan sa Pagbubuo ng Unyon sa Dalawang Piling Pagawaan sa Metro Manila en_US
dc.type Thesis en_US


Files in this item

This item appears in the following Collection(s)

Show simple item record

Search DSpace


Advanced Search

Browse

My Account