Abstract:
Ang Dasmarinas ay nagsimula bilang isang payak na
bayan sa Cavite. Sa paglipas nang panahon, nasaksihan ng
mga residente nito at mg a karatig-bayan ang kanyang pag-
unlad. Ang dating agrikultural na pamumuhay ay naging
industriyal. Natuon ang kabuhayan ng mga mamamayan ng
Dasmarinas sa mga komersyal na trabaho tulad ng sa pabrika.
Sari-saring mga industriyal na establisimyento ang naitatag
sa Dasmarinas kasabay ng mga institusyon tulad ng mga
ospital at mga pamantasan. Ang tesis na ito ay isang pag-uusisa kung ang
munisipalidad ng Dasmarinas ay handa na ba maging lungsod.
Ilalahad sa pag-aaral na ito ang deskripsyon ng bayan ng
Dasmarinas. Tatalakayin din dito ang mga pamantayan na
nakasaad sa 1991 Local Government Code of the Philippines
ukol sa pagbubuo ng isang lungsod. Sa bandang huli, aalamin
ng tesis na ito kung naisakatuparan ba ng munisipalidad ng
Dasmarinas ang mga probisyon sa 1991 Local Government Code.