dc.description.abstract |
Kabilang sa pag-unawa ng kasaysayang pampook ay ang pagkilala sa mga barangay na nakapaloob. Bagaman mahalaga ang papel ng barangay sa antas panlungsod at nasyonal, mayroong kakulangan sa pagsulat ng kasaysayang pambarangay. Ang papel na ito ay isang pagtatangkang makapag-ambag sa pagsulat ng kasaysayan sa antas ng barangay. Nakatuon ang papel na ito sa pagsasalaysay ng kasaysayan at pag-unlad ng Barangay Sta. Lucia, Lungsod ng Pasig mula 1978 hanggang 2023. Inilahad dito ang mga pangyayari at mga pagbabagong naganap gamit ang lapit pangkasaysayan at iba pang disiplina ng Agham Panlipunan. Upang mabuo ang salaysay, gumamit ang papel na ito ng kaparaanang kasaysayan na may diin sa kasaysayang pasalita. Sa ganitong paraan, napalitaw sa mga gunita ang mga pangyayari at pagbabago na naganap sa nakaraan. Kalangkap ng kasaysayang pasalita, kumalap din ng mga batis pangkasaysayan bilang pagpapatibay sa mga salaysay. Mula sa nakalap na salaysay at pagsisiyasat ng mga batis, nagbalangkas ng isang pagpapanahon at tinukoy ang mga ikutang pangyayari upang mas maunawaan ang mga nangyari at naganap na pagbabago. Mula sa pagkakabuo bilang isang barangay, dumaan ang Barangay Sta. Lucia sa maraming pagbabago at pagpapaunlad sa pagdaan ng panahon. Sa kabila nito, mayroong mga pagsubok din na pinagdaanan ang barangay na kanilang hinarap at nakabangon mula rito. Sa pagsasalaysay na ito, mas maunawaan natin ang naging katayuan ng Barangay Sta. Lucia sa pagdaan ng panahon. |
en_US |