Abstract:
Ang pag-aaral na ito ay isang etnograpiyang paglalarawan ng mga
katutubong manggagamot sa Metro Manila. Layunin ng nagisisyasat na
isadokumento ang pagsasapraktika ng mga katutubong manggagamot sa ilang
piling lugar sa Maynila. Nais ng proyektong ito ang magkaroon ng sapat ng
kaalaman hinggil sa mahahalagang aspeto ng pagtataguyond ng kalusugan sa
mga siyudad. Pagtutuanan ng pansin ng nananaliksik ang mga konsepto ukol
sa karamdaman at pamamaraan ng panggagamot ng mga hindi lisensiyadong
manggagamot sa kalunsuran. Si Mang Domeng, isang manghihilot sa Lungsod
ng Mandaluyong, ang magsisilbing pangunahing adhikain ng pagsisiyasat na ito.
Sisikapin ng nananaliksik na isalarawan ang kakaibang konsepto at pamamaraan
ni Mang Domeng hinggil sa kalusugan at karamdaman na natatamo ng tao. Ang
pag-aaral na ito ay isang panukalang inihaharap upang maipakilala ang
konsepto ng init at lamig na siyang nagdudulot ng mga karamdaman sa tao.
Balakin din ng pagsisiyasat na ito ang maipakita ang kakaibang pamamaraan ng
panggagamot ni Mang Domeng. Isasaad din ang mga halamang gamot at iba
pang uri ng gamot na ginagamit ng isang tradisyunal na manggagamot upang
mapawi ang mga nararamdamang sakit ng mga pasyente.