Abstract:
Ang Pilipinas ngayon ay dumaranas ng labis na
kahirapan. Karamihan sa mga taong naghihirap ay
ang mga taong malaki ang kontribusyon sa buong
bansa. Sila ang mga mangingisda at mga
magsasaka. Dapat natin silang pagtuunan ng
pansin dahil sila ang karaniwang inaabuso ng mga
naghaharing-uri. Ang mga pag-aaral na ginagawa
ng isang mag-aaral sa loob ng silid aralan ay di
lamang dapat nakakulong sa apat na sulok nito,
dapat ay may malalim pag-intindi ang mga magaaral
ng kahit ano mang unibersidad tungkol sa
mga tunay na nangyayari sa ating lipunan. Ito ay
ang patuloy na tunggalian ng mga naghaharing uri
at ng mga uring nakikibaka at ipinagtatangol ang
mga karapatan ng mga uring naapi. Ang mga gawain
at mga propesyon na tatahakin ng isang
estudyanteng mulat ay may paggalang at pagkiling
sa mga karapatan at sa ikabubuti ng mga kabuhayan
ng mga kapwa nating Pilipinong naghihirap.