dc.description.abstract |
Simula noong nagsimulang umunlad ang Kamaynilaan, nagsimula na ring magdagsaan dito ang mga Pilipino mula sa iba’t-ibang bahagi ng bansa. Dito na rin nagsimula ang problema sa pagsikip at kakulangan sa espasyo ng naturang mga lungsod. Bilang pagtugon sa kakulangan ng matitirhan, maraming mga mahihirap ang nagdesisyon na magtirik ng kanilang bahay sa mga lupaing hindi nila pag-aari. Patuloy na lumawak at dumami ang penomenang ito hanggang dumating sa puntong nagkanda sanga-sanga na ang mga suliraning dulot ng informal settlements. Dahil sa samut-saring mga dahilan, napapaalis o umaalis din ang mga informal settlers sa mga pinagtayuan nila ng bahay. Ang iba ay kanya-kanyang lipat, ang iba naman ay sumasama sa relokasyon. 1990’s pa lamang ay tinatangkilik na ng gobyerno ang relokasyon bilang isa sa mga solusyon sa kakulangan sa pabahay, espasyo at kaligtasan sa lungsod. Isa sa mga relokasyon ay ang Montalban o ngayon ay tinatawag ding Montalban. Nais ng pag-aaral na itong alamin ang kalagayan ng mga tao sa relokasyon sa Montalban lalo na ang mga kababaihan na nasa bulnerableng sektor ng lipunan. Bibigyanng pansin ang kanilang kalagayang pangkalusugan. Susukatin din kung paano ito tinutugunan ng mga nasa kinauukulan. Sa huli, inalam ang mga kahinaan ng sistemang pangkalusugan sa relokasyon at ang mga solusyong maaaring ilapat dito. |
en_US |