Please use this identifier to cite or link to this item:
http://dspace.cas.upm.edu.ph:8080/xmlui/handle/123456789/1003
Title: | Feminisasyon ng kamatayan: pampolitikang-ekonomiya ng mataas na antas ng kamatayang may kinalaman sa pagbubuntis sa Lungsod ng Maynila |
Authors: | Luna, Paula Bianca I. |
Keywords: | Pregnancy-related deaths Maternal mortality |
Issue Date: | May-2015 |
Abstract: | Apatnapung linggo o siyam na buwan sa loob ng sinapupunan, dito nabubuo ang natatanging ugnayan sa pagitan ng ina at sanggol. Unang iyak, unang yakap at pinakabusilak na pag-ibig, walang makakapantay sa pagmamahal ng isang ina. Dalawang tao pinagdugtong ng iisang pagtibok ng puso pero paano kung ang pagtibok ay tumigil? Isa sa mga biyayang ipinagkaloob sa mga kababaihan ay ang kakayahan na magluwal ng isa pang tao mula sa kanya. Ito ang kapangyarihan na natatangi sa mga kababaihan ngunit sa lipunang ating ginagalawan, iba't ibang klase ng karahasan ang dinaranas ng mga kababaihan. Ang patuloy na diskriminasyon at paglabag sa mga karapatan ay araw-araw na iniinda ng maraming kababaihan sa bansa. Isa sa mga karapatan ng kababaihan ay ang akses sa ligtas na panganganak o mataas na kalidad na pangreproduktibong kalusugan. Ngunit ang ating gobyerno ay nagkukulang sa paghahatid ng serbisyo sa kalusugan lalo na para sa mga kababaihan at sa pagtitiyak ng ligtas na pagdadalang-tao. Kakulangan sa tauhan, kawalan ng suplay at kagamitan, hindi angkop na pasilidad at kontra-mahirap na mga polisiya ang kinakaharap at dumadagdag sa multiple burden ng mga kababaihan. Dahil dito, 12 na kababaihan ang namamatay sa pagbubuntis at panganganak kada araw- malaking bilang para sa mga komplikasyong maaring maagapan kung maayos ang sistemang pangkalusugan. Sa kwento ng limang pamilya na nagmula sa unang distrito ng Lungsod ng Maynila ay magkakaroon ng malinaw na larawan sa mga serbisyong pangkalusugan na natatanggap ng mga kababaihan sa kabisera ng Pilipinas. Dito, makikita ang tungkulin ng kalalakihan, komunidad at estado sa maselang proseso ng pagbubuntis at sa pakikibaka ng mga kababaihan para isang makatarungan at maunlad na lipunan. |
URI: | http://dspace.cas.upm.edu.ph:8080/xmlui/handle/123456789/1003 |
Appears in Collections: | BA Development Studies |
Files in This Item:
File | Description | Size | Format | |
---|---|---|---|---|
CD-E168.pdf Until 9999-01-01 | 8.02 MB | Adobe PDF | View/Open Request a copy |
Items in DSpace are protected by copyright, with all rights reserved, unless otherwise indicated.