Please use this identifier to cite or link to this item: http://dspace.cas.upm.edu.ph:8080/xmlui/handle/123456789/1720
Title: Isang Pag-aaral ukol sa Pananaw ng mga Residente ng Makati ukol sa Pamunuang Binay
Authors: Cortey, Irene Patrice M.
Issue Date: Mar-2011
Abstract: Ang pag-aaral na ito ay nakatuon sa pagtuklas ng mga dahilan sa likod ng patuloy na pagkapanalo ng pamilyang Binay sa Lungsod ng Makati sa kabila ng mga isyu sa pamunuang ito at sa kabila ng kaalaman ng mga taong nagiging isang dinastiya na ng pamilyang ito ang lungsod. Ang Lungsod ng Makati ay isang malaking lungsod sa aspeto ng populasyon, lupain at sa kinikita nito at ang tanging pinuno na nakakahawak ng kapangyarihan na mamahala nito ay ang pamilyang Binay sa loob ng dalawampu’t limang taon. Ang pananaliksik ay isinagawa sa pamamagitan ng pamimigay ng sarbey at sa pamamagitan ng mga panayam sa ilang mga naninirahan sa lungsod. Sumanguni rin sa mga aklat na naaayon sa pag-aaral na ito. Ang pag-iral ng dinastiyang pulitikal ay isang suliranin sa lipunan kaya naman dapat ay mapigilan ito.
URI: http://dspace.cas.upm.edu.ph:8080/xmlui/handle/123456789/1720
Appears in Collections:BA Development Studies

Files in This Item:
File Description SizeFormat 
E358.pdf
  Until 9999-01-01
45.73 MBAdobe PDFView/Open Request a copy


Items in DSpace are protected by copyright, with all rights reserved, unless otherwise indicated.