Please use this identifier to cite or link to this item:
http://dspace.cas.upm.edu.ph:8080/xmlui/handle/123456789/1794
Title: | Ang Ekonomyang Pampulitika ng Takot: Ang Kaso ng Hacienda Luisita, Tarlac |
Authors: | Burgos, Galileo Garra Jr. |
Issue Date: | Mar-2011 |
Abstract: | Nananatiling agrikultura ang gulugod ng ating ekonomya. Ngunit nananatili rin ang katotohanang atrasado, maliitan at hiwa-hiwalay ang ating pagsasaka sa bansa. Mayorya ng mga magsasaka ang walang sariling lupa. Nananatili rin ang alitan sa pagitan ng mga magsasaka at ng mga panginoong maylupa. Sa ganitong kalagayan, itinuon ang esensya ng pag-aaral na ito sa paglubog sa panlipunang problemang ito, at makarekomenda ng maaaring solusyon dito. Pangunahing inalam ng pananaliksik ang kaugnayan ng takot sa pagpapanatili sa sistemang nananaig sa lipunang Pilipino. Ang pang-ekonomyang takot at pampulitikang takot o takot pangmilitar ang dalawang pangunahing takot na sinuri sa pananaliksik. Ginabayan ng teoryang materyalismong istoriko ang pag-aaral. Gumamit naman ng accidental sampling at Delphi method para sa metodolohiya para makakalap ng datos. Napatunayan sa pananaliksik na may kinalaman ang pang-ekonomyang takot at pampulitika o pangmilitar na takot kung bakit nananatiling nakokontrol ng mga panginoong maylupa sa Hacienda Luisita ang kalakaran ng laban sa lupa. Nagagamit ng mga panginoong maylupa at mga kasabwat nila ang takot para manatiling pigil ang mga magsasaka para lumahok sa direktang panawagan para sa kanilang karapatan sa lupa. Naging pangunahing mga rekomendasyon ang pamamahagi ng lupa, pagpapatigil sa rentahan ng tubo, pagpapatupad ng tunay na repormang agraryo at pagpapalayas sa mga militar sa loob ng asyenda. |
URI: | http://dspace.cas.upm.edu.ph:8080/xmlui/handle/123456789/1794 |
Appears in Collections: | BA Development Studies |
Files in This Item:
File | Description | Size | Format | |
---|---|---|---|---|
E363.pdf Until 9999-01-01 | 41.66 MB | Adobe PDF | View/Open Request a copy |
Items in DSpace are protected by copyright, with all rights reserved, unless otherwise indicated.