Please use this identifier to cite or link to this item: http://dspace.cas.upm.edu.ph:8080/xmlui/handle/123456789/1835
Full metadata record
DC FieldValueLanguage
dc.contributor.authorDavid, Ehrin Jacob T.-
dc.date.accessioned2022-12-09T00:30:55Z-
dc.date.available2022-12-09T00:30:55Z-
dc.date.issued2011-04-
dc.identifier.urihttp://dspace.cas.upm.edu.ph:8080/xmlui/handle/123456789/1835-
dc.description.abstractAng pag-aaral na ito ay tumatalakay sa penomenon ng magkasintahang lalaking naninirahan ng magkasama sa iisang tirahan. Layunin ng pag-aaral na ito na magalugad at mailahad ang penomenon ng kohabitasyon, matukoy ang mga salik na nagtulak sa pagdedesisyon magsama, mailarawan mga katangian ng relasyon at sukat ng pagpapalagayang loob ng magkasintahang lalaking naninirahan sa iisang tahanan. Apat (4) na magkasintahang lalaki, pawang lahat ay mahigit isang taon nang nagsasama at nakatira sa Kamaynilaan ang ginamit na basehan na impormasyon para sa pag-aaral. Case Study ang ginamit na disenyo ng mananaliksik upang mas maintindihan at mas mapalawig ang penomenon ng pagsasama ng dalawang lalaking magkasintahan na naninirahan sa iisang tahanan. Gumamit ang mananaliksik ng isang palatanungan na binubuo ng demograpikong impormasyon at iskalang sumusukat sa pagpapalgayang-loob at ng isang balangkas ng panayam para sa isang malalimang panayam na magbibigay ng impormasyon ukol sa relasyon at pagsasama ng magkasintahan. Ang mga magkasintahan ay nagkakilala at nagkamabutihan sa pamamagitan ng panlabas na salik (kapaligiran at mga kaibigan) at sa patuloy na komunikasyon. Lumalabas na napakataas ng sukat ng pagpapalagayang-loob ng mga magkasintahan. Nagdesisyon ang mga magkasintahang magsama sa kagustuhang mas gusto nila makita at makasama ang bawat isa. Lahat ay nakakaranas ng tunggalian sa pamilya, relihiyon at lipunan. Pangkaraniwan nilang suliranin ay ang problema sa pera. Para sa kanila, seguridad, kasiyahan at kakuntentuhan ang pangunahing benepisyo ng kanilang relasyon. Katapatan at tiwala naman sa isa’t-isa ang susi ng pagtatagal ng kanilang relasyon. May balak magpakasal ang mga magkasintahan at pawang naniniwalang moral at hindi masama ang kanilang pagsasama.en_US
dc.titleTATAY SA TATAY SA IISANG BAHAY : Isang Pagsilip sa Buhay at Pag-iibigan ng Magkasintahang Lalaki (Homosexual Male Couple) na Nagsasama sa lisang Tirahan (Cohabitation)en_US
dc.typeThesisen_US
Appears in Collections:BA Behavioral Sciences Theses

Files in This Item:
File Description SizeFormat 
B355.pdf
  Until 9999-01-01
63.03 MBAdobe PDFView/Open Request a copy


Items in DSpace are protected by copyright, with all rights reserved, unless otherwise indicated.