Please use this identifier to cite or link to this item: http://dspace.cas.upm.edu.ph:8080/xmlui/handle/123456789/1866
Title: Bata Bata, Bakit Ikaw ang Gumagawa? (Isang Pag-aaral sa mga Sosyo-ekonomikong dahilan ng pananatili ng "Paggawa ng Bata”, batay sa kondisyon ng mga Batang Kasambahay sa Batangas City)
Authors: Dimaano, Zara Joshua M.
Issue Date: Mar-2008
Abstract: Hindi maikakailang laganap na laganap na sa iba’t ibang panig ng bansa at maging sa mundo ang problema ng “child labor” o “paggawa ng bata”. Ang suliraning ito ang kumakain sa maganda at malawak pa sanang kinabukasan ng mga batang nagiging biktima nito. Isa sa napakaraming mukha nito ay ang pagiging isang batang kasambahay. Mula sa iba at mga nauna nang pag-aaral, ang primarya o nangunguna pa ring dahilan ng paglobo o paglala ng “child labor” ay ang kahirapan. Dahil sa kawalan ng pera ng mga magulang, bunga ng kawalan ng oportunidad at maayos na trabaho, hindi nila makayanang tustusan ang lahat ng mga pangangailangan ng pamilya, maging ang mga pangunahing mga pangangailangan ng mga ito tulad ng pagkain, tahanan at mga damit. Dahil sa ganitong sitwasyon, nahihinto sa pag-aaral ang mga bata para maghanapbuhay sa gayon ay makatulong sa mga pangangailangan ng kanilang pamilya. Ang pag-aaral na ito ay tungkol sa sosyo-ekonomikong dahilan ng pananatili ng “child labor” o paggawa ng bata batay sa mga batang kasambahay sa Batangas City. Nilalayong alamin ng pag-aaral na ito ang mga dahilan kung bakit sila maagang nasasabak sa pagtatrabaho at kung dahil sa pagtatrabahong ito ay naaapektuhan ang kanilang pag-aaral. Sa pamamagitan ng resulta ng pag-aaral na ito ay malalaman ang mga dahilan kung bakit magpasahanggang ngayon ay nananatili pa rin ang “child labor” sa nangungunang suliraning kinakaharap ng ating bansa. Makakatulong din ito upang mamulat at mapataas ang kamalayan ng mga mamamayan ukol sa tunay na kalagayan ng mga bata sa bansa gayundin ng mga ahensiya ng pamahalaan at sana ay magbigay-daan ang pagkamulat na ito sa kanilang pagkilos at pagpapartisipa sa abot ng kanilang makakaya upang masugpo ang problemang ito ng ating bansa.
URI: http://dspace.cas.upm.edu.ph:8080/xmlui/handle/123456789/1866
Appears in Collections:BA Development Studies

Files in This Item:
File Description SizeFormat 
E268.pdf
  Until 9999-01-01
90.42 MBAdobe PDFView/Open Request a copy


Items in DSpace are protected by copyright, with all rights reserved, unless otherwise indicated.