Please use this identifier to cite or link to this item: http://dspace.cas.upm.edu.ph:8080/xmlui/handle/123456789/2099
Full metadata record
DC FieldValueLanguage
dc.contributor.authorRamos, Joanne Reverlindi R.-
dc.date.accessioned2023-04-24T05:20:50Z-
dc.date.available2023-04-24T05:20:50Z-
dc.date.issued2009-03-
dc.identifier.urihttp://dspace.cas.upm.edu.ph:8080/xmlui/handle/123456789/2099-
dc.description.abstractAng pangunahing suliranin ng tesis na pinamagatang "Bangkero: Sa Kanyang Paglalayag, Ang Tradisyon ng Paggawa ng Bangka at Paglalayag Sa Sta. Ana at Pasig," ay kung gaano kalalim napanatili ng mga naninirahan sa tabi ng ilog Pasig ang tradisyon ng pamamangka sa ilog. Sinuri ng mananaliksik ang historikal at etnograpikal na salik na magpapakita ng tradisyon ng paggawa ng bangka at paglalayag sa ilog Pasig, partikular sa Punta, Sta. Ana, Maynila at Kalawaan, Pasig. Inumpisahan ng manananaliksik na baybayin ang ilog Pasig, nakakita siya ng mga lugar na marami pang mga bangka. Pumunta siya sa mga lugar na ito at nagtanong-tanong. Nagkaroon siya ng maraming panayam at kumuha ng impormasyon ukol sa mga pamilyang nagtataglay pa ng bangka hanggang sa kasalukuyan. Nakabuo siya ng salaysay ng kanilang buhay o life stories na naging basehan sa paggawa ng maraming pagsusuri at konklusyon. Layunin ng mananaliksik na suriin ang tradisyon ng paggawa ng bangka at paglalayag nito sa ilog Pasig. Nais alamin at maunawaan ng mananaliksik ang lalim o extent ng tradisyong ito, bago pa man dumating ang mga Kastila sa Pilipinas hanggang sa kasalukuyan. Nais din niyang silipin ang buhay ng nga gumagawa at naglalayag sa ilog at ang mga benepisyong kaakibat nito sa kanilang pamumuhay. llalahad din ng mananaliksik ang mga salik na maaaring makaapekto sa pagpapatuloy o unti-unting pagkawala ng tradisyon. Nais ng mananaliksik na kamptin ang higit na malalim na pagkaunawa sa isang tradisyong kinamulatan ng mga mamamayan ng ilog Pasig na direktang nakaapekto sa kanilang pamumuhay at ipaunawa sa mga henerayon ngayon ang kahalagahan ng ilog Pasig, ang tradisyon ng pamamangka at paggawa ng bangka dito dahil minsan sa kasaysayan ng Pilipinas ay malaki ang idinulot na kabutihan ng mga yamang-tubig ng bansa, partikular na ang ilog Pasig.en_US
dc.titleBANGKERO: Sa Kanyang Pamamangka Tradisyon ng Paggawa ng Bangka at Paglalayag sa Sta. Ana at Pasigen_US
dc.typeThesisen_US
Appears in Collections:BA Philippine Arts Theses

Files in This Item:
File Description SizeFormat 
G294.pdf
  Until 9999-01-01
52.74 MBAdobe PDFView/Open Request a copy


Items in DSpace are protected by copyright, with all rights reserved, unless otherwise indicated.