Please use this identifier to cite or link to this item: http://dspace.cas.upm.edu.ph:8080/xmlui/handle/123456789/2506
Title: Ang Tradisyong ''Puni" sa Malolos, Bulacan
Authors: Chu, Lovely Maila P.
Issue Date: Apr-2008
Abstract: Isa ang munisipalidad ng Malolos sa mga lugar na mapapalad na nabiyayaan ng mga puno ng niyog kung kaya hindi nakapagtatakang isang tradisyon ng pagpapalamuti garnit ang dahon ng niyog at buli na kung tawagin ay ''puniz, ang matatagpuan dito. Dahil sa kakaunti pa lamang ang mga lathalaing nasusulat patungkol sa tradisyong ito, nagsagawa ang may-akda ng isang pag-aaral na sasagot sa pangunahing katanungan na ''An。ang tradisyong puni sa Malolos, Bulacan?,/ Bukod dito, ilan pang mga katanungan ang sasagutin sa pag-aaral upang lubos na maunawaan ang 、'puni〃 at malaman ang papel ng tradisyong ito sa lipunan. Upang masagot ang suliranin ng pag-aaral, nagsagawa ang may-akda ng pakikipag-panayam sa mga taong may kaa.laman ukol sa 、'puni〃 at kasabay nito ay ang pagpapaturo rin sa pagbuo ng ilan sa kanilang mga likha. Nagtungo rin sa ibaz t-ibang aklatan ang may-akda upang mangalap ng mga lathalaing may kinalaman sa napiling paksa. Ang mga datos ay nasuri sa pamamagitan ng descriptive, thematic at conceptual na analisis at natasa sa pamamagitan ng community validation. Matapos makalap, masuri, at matasa ang mga datos ay napag-alaman ng may-akda na malaki ang ginagampanang papel sa lipunan ng tradisyong ''puni,/ sapagkat nagsisilbi itong libangan, hanapbuhay at salik ng pagsasalin ng karunungan na nagpapaigting ng pagkataong panloob ng isang indibidwal. Ito ay mauunawaan bilang isang sining bayan na isinasagawa ng mga tao sa pangaraw-araw bilang libangan, kagamitan sa bahay at palamuti.
URI: http://dspace.cas.upm.edu.ph:8080/xmlui/handle/123456789/2506
Appears in Collections:BA Philippine Arts Theses

Files in This Item:
File Description SizeFormat 
G95.pdf
  Until 9999-01-01
66.56 MBAdobe PDFThumbnail
View/Open Request a copy


Items in DSpace are protected by copyright, with all rights reserved, unless otherwise indicated.