Please use this identifier to cite or link to this item: http://dspace.cas.upm.edu.ph:8080/xmlui/handle/123456789/2508
Title: Ligligan Parul 2007
Authors: Conanan, Jelly Ann P.
Issue Date: Apr-2008
Abstract: Sa bayan ng San Fernando, Pampanga matatagpuan ang tradisyon ng Ligligan Parul o ang Giant Lantern Festival kung saan ang mga barangay na kalahok sa Lantern showdown ay nagpapakitang-gilas sa kanilang paggawa ng mga kabigha-bighaning higanteng parol. Layunin ng papel na ito na talakayin ang kahulugan ng Ligligan Parul 2007 para sa mga giant Lantern makers. Sa pagkalap ng dates para sa tesis na ito, ang research design na ginamit ay quaLitative research habang ang lapit naman ay grounded theory approach. Sinuri ang mga datos gamit ang thematic ana Lysis batay sa mga sagot ng mga kinapanayam. Dahil grounded theory approach ang ginamit sa pag-aaral, bumuo ang researcher ng isang conceptuaL framework na naglahad ng ugnayan ng mga nilalaman at kahulugan ng mga nakuhang datos sa fieLd. Community vaLidation ang isinagawang paraan ng pagtatasa ng pag-aaral. Ang Ligligan Parul para sa mga giant lantern makers ay isang tradisyon na nagmula pa sa isang relihiyosong aktibidad tuwing Pasko. Bagamat masasabing ang Ligligan Parul 2007 ay mauunawaan bilang isang pop festival, nananatili pa rin ang diwa nito bilang isang tradisyon tuwing Pasko. Itinuturing ang Ligligan Parul bilang karangalan ng bayan ng San Fernando. Nakatutulong sa turismo at kabuhayan ng mga Fernandino ang pagdiriwang dahil sa pamamagitan ng kanilang paggawa ng mga parol nagkaroon ng tatak ang mga Fernandino bilang mahuhusay sa larangan ng paggawa ng mga parol. Higit sa lahat, ang Ligligan Parul ay nangingibabaw hindi bilang isang luho lamang ngunit bilang isang sakripisyo ng mga Fernandino tuwing Kapaskuhan.
URI: http://dspace.cas.upm.edu.ph:8080/xmlui/handle/123456789/2508
Appears in Collections:BA Philippine Arts Theses

Files in This Item:
File Description SizeFormat 
G96.pdf
  Until 9999-01-01
98.19 MBAdobe PDFThumbnail
View/Open Request a copy


Items in DSpace are protected by copyright, with all rights reserved, unless otherwise indicated.