Please use this identifier to cite or link to this item: http://dspace.cas.upm.edu.ph:8080/xmlui/handle/123456789/2549
Title: Lights, Camera, Action Ang Pag-aaral ng Ideya ng Konsyumerismo: Epekto ng mga Pelikulang Chick Flicks sa Patuloy na Pagtaas ng Antas ng Konsyumerismo sa mga Kabataan
Authors: Nacion, Roseanne Mae S.
Keywords: Chick Flicks
Konsyumerismo
Kapitalismo
Hollywood
Ideological State Apparatus
Pelikula
Covert advertising
Issue Date: Mar-2011
Abstract: Isa ang media sa pinagmumulan ng impormasyon ng mga mamamayan sa ating lipunan at sa mga napapanood dito nabubuo ang opinyon o ideolohiya ng mga tao sa iba't-ibang mga usapin. Isang klase ng media ang mga pelikula at isang uri ng pelikula ay tinatawag na chick flicks. Ang mga pelikulang chick flicks ay karaniwang naiuugnay sa usapin ng konsyumerismo, dahil sa pagpapakita nito ng ideya na ang pagiging matagumpay ng isang tao ay base sa kung ano ang materyal na bagay na mayroon siya. Ang kagandahan asal at katalinuhan ay napapabayaan sa halip binibigayang importansya ang pagkakaroon ng mamahaling mga damit, alahas, at sapatos at ang pisikal na kagandahan ng tao. Ang papel na ito ay naglalayong malaman kung may relasyon ang panonood ng mga pelikulang chick flicks sa isyu ng konsyumerismo sa mga kabataan. Para makamit ang layunin ng papel na ito, gumamit ang mananaliksik ng qualitative at quantitative na paraan sa pagkuha ng datos. Sa mga datos na nakalap, nakakaapekto ang panonood ng mga chick flick sa mga manonood sa pamamagitan ng pagsunod sa kung ano ang uso pagdating sa fashion at sa iba pang pisikal na katangian ng mga manonood. Kasama rin sa pag-aaral na ito ang paggamit ng covert advertising sa mga pelikula upang ipahayag ang ideya ng konsyumerismo sa mga manononood. Sa pag-unlad ng teknolohiya sa mundo, kasabay nitong dumadami ang paraan ng mga kabataan sa ngayon upang mapanood ang mga pelikulang mula sa Estados Unidos. Dahil sa paggamit sa media bilang isang Ideological State Appaatus, hindi ma汰akaila na nakaaapekto sa mga manonood ang mga pelikulang chick flick sa pagpapalabas dito ng ideya ng konsyumerismo ng mga kapitalista. Ngunit dapat tandaan na ang hanganan ng kakayahan ng mga pelikula ay ang pag-impluwesya sa mga manonood sa mga dapat ikilos at sa mga dapat nilang bilhin, walang kakayahan ang mga pelikula ng pwersahin ang mga manonood na sundin ang mga ideya na kanilang napapanood. Dapat maging mapag matyag at mapanuri ang mga manonood sa mga ideyang ipinapalas sa mga pelikulang chick flick o sa kahit anong klase ng media.
URI: http://dspace.cas.upm.edu.ph:8080/xmlui/handle/123456789/2549
Appears in Collections:BA Political Science

Files in This Item:
File Description SizeFormat 
H378.pdf
  Until 9999-01-01
63.87 MBAdobe PDFView/Open Request a copy


Items in DSpace are protected by copyright, with all rights reserved, unless otherwise indicated.