Please use this identifier to cite or link to this item: http://dspace.cas.upm.edu.ph:8080/xmlui/handle/123456789/2593
Full metadata record
DC FieldValueLanguage
dc.contributor.authorDuenas, Nina Lawrence-
dc.date.accessioned2024-03-21T00:06:54Z-
dc.date.available2024-03-21T00:06:54Z-
dc.date.issued2007-03-
dc.identifier.urihttp://dspace.cas.upm.edu.ph:8080/xmlui/handle/123456789/2593-
dc.description.abstractUmikot ang pag-aaral na ito sa motibasyon sa pagsali ng apatnapu't anim na mga batang miyembro ng "Komedya ng Don GaloM. Layunin ng pag-aaral na alamin at suriin ang mga dahilan ng mga bata sa pagsali sa grupo. Sinikap ding alamin ang mga salik na nakaimpluwensya sa motibasyon ng mga bata para sumali sa grupo. Ang mga dates ay kinalap sa pamamagitan ng serye ng mga interbyung isinagawa ng mananaliksik sa apatnapu't anim na miyembro ng KDG noong Disyembre 17, 2006; Enero 8, 2007 at Enero 15, 2007. Ang mga datos ay sinuri sa pamamagitan ng: una, pagsasagawa ng deskripsyon ng mga datos; ikalawa, tematikong pagsusuri ng mga datos sa pamamagitan ng paghahanay ng mga datos sa mga kategorya; at panghuli ay konseptwal na pagsusuri kung saan nakabuo ang mananaliksik ng isang balangkas-diwa ng motibasyon sa pagsali ng apatnapu't anim na miyembro ng KDG. Sa pagsusuri ng datos, ang mga dahilang nakuha mula sa interbyung isinagawa ay inihanay sa tatlong kategorya. Ito ay ang mga (1) Napilit/Naimpluwensyahang sumali sa grupo: (2) Naakit na sumali sa grupo; at (3) May shilling layunin sa pagsali sa grupo. Napansing ang tatlong kategoryang nabanggit ay naimpluwensyahan ng tatlong salik; Panloob, Panlabas at Magkahalong Panloob at Panlabas. Mula sa isinagawang pagsusuri, nakitang ang motibasyon ng apatnapu't anim na mga bata sa pagsali sa "Komedya ng Don Gal。" ay maaring mula sa impluwensya ng mga taong nakapaligid sa kanila (Salik na Panlabas); mula sa sarili nilang desisyon (Salik na Panloob); o di kaya ay mula mga bagay na nakita at nalaman tungkol sa grupo na nakapukaw sa interes nila para sumali (Magkahalong Panloob at Panlabas na Salik). Pinakamarami ang mga batang sumali dahil sa sarili nilang desisyon (Panloob na Salik) na may bilang na dalawampul isang mga bata. Ang mga batang ito ay May saiiling layunin sa pagsali na maaaring patungo sa pagtugon sa pangangaiiangang interpersonal (Para madagdagan ang extra-curricular activities; 1 bata), pafungo sa seguridad sa pamumuhay (Para madiskubreng artista; 1 bata) at patungo sa paglago ng sarili (Paghubog ng talento; 21 na bata). Pumapangalawa naman sa dami ang mga batang sumali dahil Naakit sumali sa grupo dahil sa mga bagay na nakita at nalaman tungkol sa grupo na nakapukaw sa interes nila para sumali (Magkahalong Panloob at Panlabas na Salik) na may bilang na labingapat na bata. Ito ay ang mga batang napanood ang pagtatanghal ng grupo at sumali dahil gustong maranasan ang maging Komedyante (13 na bata); at nalaman ang mga achievements ng gnipo at gustong mapabilang dito (1 bata). Pinakakaunti naman ang mga batang naimpluwensyahan ng mga taong nakapaligid sa kanila (Panlabas na salik) para sumali na binubuo ng labingisang bata. Ang mga bata ay Napilit/Naimpluwensyahang sumali sa grupo ng kanilang pamilya, kamag-anak at kaibigan (5 bata). Karamihan sa mga pamilya, kamag-anak at kaibigang ito ay nadiskubreng mga Komedyante rin. Napansin ding ang mga guro ng mga bata ay may malaking impluwensya rin sa pagsali ng mga bata sa grupo (6 na bata). Mula sa mga ito ay nakabuo ang mananaliksik ng isang balangkas-diwa na nagpapakita ng biswal na representasyon ng motibasyon ng mga bata sa pagsali sa grupo.en_US
dc.titleKomedya ng Don Galo: Motibasyon sa Pagsali ng Hang Piling Miyembroen_US
dc.typeThesisen_US
Appears in Collections:BA Philippine Arts Theses

Files in This Item:
File Description SizeFormat 
G81.pdf
  Until 9999-01-01
127.61 MBAdobe PDFView/Open Request a copy


Items in DSpace are protected by copyright, with all rights reserved, unless otherwise indicated.