Please use this identifier to cite or link to this item:
http://dspace.cas.upm.edu.ph:8080/xmlui/handle/123456789/321
Title: | Ang pulitikal na ekonomiya ng industriya ng metal craft sa Lungsod ng Malabon (isang pag-aaral na may pokus sa kondisyon ng mga manggagawa) |
Authors: | Gregorio, Veronica L. |
Keywords: | Metal craft industry Working conditions Workers rights |
Issue Date: | Mar-2012 |
Abstract: | Mahalagang tukuyin at pag-aralan ang kondisyon ng mga manggagawa dahil sila ang itinuturing na pundasyon ng pinakaabanteng pwersa ng produksyon sa ating bansa. Sa dahilang ito, mararapat lamang na malaman at maintindihan ng sambayanan ang kanilang mga suliranin at adhikain. Magagamit ang pag-aaral na ito upang malaman kung paano mapapaunlad ang kalagayan ng mga manggagawa sa industriya ng Metal Craft at kung sa paanong paraan sila mapapaabutan ng tulong na kanilang kailangan. Ang pananaliksik ay magbibigay daan upang mamulat ang mga manggagawa sa nasabing industriya ukol sa kanilang mga ispesipiko at pangunahing karapatan. Sa paraang ito, matutukoy na nila kung ang kanila bang mga karapatan ay nalalabag o kung ang kanilang mga amo ay hindi sumusunod sa batas na itinakda ng estado. Napili ng mananaliksik na pag-aralan ang kalagayan ng mga mangagawa sa industriya ng Metal Craft sa Malabon City dahil sa mga sumusunod na dahilan: Una, napuna ng mananaliksik na sa loob ng pamantasan ay kakaunti lamang ang mga pag-aaral na nalathala ukol sa uring manggagawa. Ikalawa, ang Malabon City ay masyadong kilala pagdating sa kalakalan ng isda at nagiging daan ito upang hindi masyadong mabigyan ng pansin ang iba pang industriya na mayroon sa lugar – kabilang na nga ang Metal Craft. Ikatlo, nais pag-aralan ng mananaliksik ang ispesipikong kondisyon ng mga manggagawa sa Industriya ng Metal Craft sa Malabon City sa pamamagitan ng pagtukoy ng kanilang pulitikal at ekonomikal kalagayan. Ikaapat, mula sa pag-aaral ay aalamin ng mananaliksik kung gaano kalalim ang antas ng kamulatan ng mga manggagawa sa nasabing industriya pagdating sa kanilang mga pangunahing karapatan sa kanilang trabaho. Tinataya na ang pangunahing problema ng industriya ng metal crafting ay ang pagkakaroon lamang ng iilang manggagawa na may mataas na antas ng kamulatan pagdating sa kanilang mga karapatan sa trabaho. |
URI: | http://dspace.cas.upm.edu.ph:8080/jspui/handle/123456789/321 |
Appears in Collections: | BA Development Studies |
Files in This Item:
File | Description | Size | Format | |
---|---|---|---|---|
CD-E29.pdf Until 9999-01-01 | E29.pdf | 673.21 kB | Adobe PDF | View/Open Request a copy |
Items in DSpace are protected by copyright, with all rights reserved, unless otherwise indicated.