Please use this identifier to cite or link to this item: http://dspace.cas.upm.edu.ph:8080/xmlui/handle/123456789/3293
Full metadata record
DC FieldValueLanguage
dc.contributor.authorTapang, Rowena P.-
dc.date.accessioned2025-10-01T02:36:26Z-
dc.date.available2025-10-01T02:36:26Z-
dc.date.issued1999-
dc.identifier.urihttp://dspace.cas.upm.edu.ph:8080/xmlui/handle/123456789/3293-
dc.description.abstractAng pagreregla ay maituturing na isa sa pinakamahalagang yugto sa buhay ng isang babae. Ito ay nagsisilbing hudyat ng kanyang pagiging isang dalaga at nagsisilbi rin itong hudyat ng kanyang kapasidad na maging isang ina. Kasabay ng pagreregla ang mga pagbabago sa pisikal at emosyonal na aspeto ng buhay ng isang babae. Kasabay rin ng mga pagbabagong ito ang mga sakit na maaaring maramdaman ng isang babae sa panahon ng kanyang pagreregla. Layunin ng pag-aaral na ito na makapag-bigay impormasyon sa mga manggagawa ng medisina tungkol sa mga nararamdamang sakit ng mga kababaihan kapag sila ay may regla. Bukod pa rito, layunin din ng pag-aaral na ito na ipaliwanag ang regla at mga paniniwala at ritwal tungkol dito. ltutuon ang pag-aaral sa isang kultura sa Pilipinas, ang kultura ng mga Kapampangan. Titingnan ng mga mananaliksik ang konsepto ng regla, mga paniniwala at ritwal patungkol dito, at ang mga sakit na kaugnay nito sa Barangay Dela Paz Norte, San Fernando, Pampanga. Ang kalalabasan ng pag-aaral na ito ay makakatulong sa mga manggagawa ng medisina upang lalo pa nilang maunawaan ang kultura ng kanilang mga pinaglilingkuran. Malalaman nila ang mga katutubong pananaw tungkol sa regla at ang mga paniniwala at ritwal na kaugnay nito. Bukod pa rito, magkakaroon sila ng kaalaman sa mga nararamdaman ng babae sa panahon ng kanilang regla. Dagdag pa rito, magkakaroon ng mas malalim na kaalaman ang mga mambabasa tungkol sa kultura ng ibang mga mamamayan ng Pilipinas. Nagsagawa ang mananaliksik ng pakikipanayam sa walong kalahok sa kasaysayan ng buhay ng mga babaeng nakaranas na ng pagtigil ng regla. Nagsagawa rin ng pakikipanayam sa labing anim na mga babaeng hindi pa nakatuntong sa yugto ng pagtigil ng regla, ngunit nakaranas na ng pagkakaroon ng regla. Ang mga nasabing pamamaraan ay nagbigay-daan upang ang mga importanteng datos na kailangan sa nasabing pag-aaral ay makuha. Ang konsepto ng regla ay maaaring ipaliwanag sa ganitong paraan: ang regla ang nagsisilbing hudyat ng pagiging isang dalaga. Ito ay isang maselang yugto dahil maraming mga pagbabagong nagaganap sa isang babae sa panahong ito. Una na ang mga pagbabagong pisikal, sumunod ang emosyonal at pangatlo ang pagbabago sa kanyang katayuan na nakapaloob sa sosyokultural na aspeto ng kanyang buhay. Ang mga pagbabagong ito ay hindi lamang nakakaapekto sa kanyang sarili kundi maging sa ibang tao. Sa resulta ng pag-aaral, napag-alamang sa edad na labintatlo karaniwang nag-uumpisa ang regla sa mga kababaihan ng Barangay Dela Paz Norte. Sa pagtatala, lima sa kanila ang nagkaroon ng unang pagreregla sa edad na na labindalawa. Labintatlo naman ang nagkaroon sa edad na labintatlo. Anim naman sa edad na labing-apat at dalawa sa edad na labing-anim. Magkahalong saya at pagkabigla ang naramdaman ng mga kababaihan sa una nilang pagreregla. Ang iba ay nabigla dahil hindi nila alam ang tungkol dito. Ang iba naman ay masaya dahil sila ay sabik sa mga bagay na maaaring mangyari sa kanilang buhay. Ang mga magulang ay masaya rin dahil ang anak nila ay dalaga na. Masaya rin sila dahil sa may makakatulong na sila sa paggawa sa bahay. Sa unang pagreregla, ang mga kababaihan sa Barangay Dela Paz Norte ay pinatalon sa ikatlong baitang ng hagdan. Ang iba naman ay pinadulas samantalang ang iba ay pinaupo na lamang sa hagdan. Ganito ang pinagawa ng kanilang mga magulang upang maging tatlong araw lamang ang kanilang pagreregla. Ang regla ay itinuturing na maruming dugo na kailangang lumabas upang luminis ang katawan. Ang hindi paglabas ng dugong ito ay maaaring magdulot ng sakit sa puson. Sa ibang pagkakataon, ang dugong hindi lumabas ay namumuo sa loob ng matris at nagiging busong. Dahilan sa ang regla ay maruming dugo na kailangang lumabas, ipinagbabawal ang mga gawaing maaaring pumigil sa paglabas nito. Bawal ang maligo dahil malalamigan ang matris. Mamumuo ang dugo at mahihirapan na itong lumabas. Sa iba naman, ang paliligo ay maaaring maging sanhi ng pagkaloka dahil magsasalubong ang init at lamig sa ulo. Ipinagbabawal rin ang pagkain ng maasim dahil ito raw ay magpapahina sa dugo ng isang babae. Ang pagkakaroon ng regla ang nagiging umpisa ng maraming pagbabago sa buhay ng isang dalaga. Nagkakaroon ng mga pagbabago sa kaniyang pangangatawan kayat siya ay iniingatan ng kaniyang mga magulang. Tumataas rin ang kanyang estado sa lipunan. Siya ay umaakyat sa susunod na yugto sa kanyang buhay -ang pagdadalaga. Dahil dito ay nakakatanggap siya ng respeto mula sa ibang tao. Bukod pa sa mga nasabing pagbabago, kapuna-puna rin ang pagbabago sa kaniyang emosyon. Ang pabago-bagong emosyong ito ay kadalasang nagiging sanhi ng kakaibang pakiramdam na nararamdaman niya sa kaniyang katawan. Kung minsan, ang emosyong ito ay nagiging dahilan upang makaramdam siya ng sakit sa katawan. Kayat masasabing ang mga pagbabagong ito ay may epekto sa isang babae. Dagdag pa rito, ang mga pagbabago sa isang babae sa panahon ng pagreregla ay may epekto rin sa iba. May mga tungkulin ang lipunan sa isang dalaga at ito na ang panahon na kailangan niyang gampanan ito. Sa kabilang banda, ang mga tao sa kaniyang paligid ay naapektuhan rin ng mga emosyon ng babae dahil sa sila ang napagbubuntunan ng mga emosyong ito. Sa huli, inirerekomenda ng mananaliksik ang mas malalim pang pag-aaral tungkol sa pagreregla at ang kaugnayan nito sa iba't-ibang sosyodemograpikong mga salik. Inirerekomenda rin ang pagsasagawa ng mga pagaaral na maghahambing sa pananaw ng mga kabataan at ng dating henerasyon sa regla.en_US
dc.subjectMenstruationen_US
dc.subjectKababaihanen_US
dc.subjectPaniniwalaen_US
dc.subjectMedisinaen_US
dc.subjectRitwalen_US
dc.subjectKulturaen_US
dc.titleIsang Pag-Aaral Ukol sa Sakit na Nauugnay sa Yugto ng Pagreregla sa mga Napiling Kababaihan sa Barangay Dela Paz Norte, San Fernando, Pampangaen_US
dc.typeThesisen_US
Appears in Collections:BA Behavioral Sciences Theses



Items in DSpace are protected by copyright, with all rights reserved, unless otherwise indicated.