Please use this identifier to cite or link to this item:
http://dspace.cas.upm.edu.ph:8080/xmlui/handle/123456789/348
Full metadata record
DC Field | Value | Language |
---|---|---|
dc.contributor.author | Fernandez, Yfur Porsche Punzalan | - |
dc.date.accessioned | 2016-03-11T03:42:36Z | - |
dc.date.available | 2016-03-11T03:42:36Z | - |
dc.date.issued | 2010-02 | - |
dc.identifier.uri | http://dspace.cas.upm.edu.ph:8080/jspui/handle/123456789/348 | - |
dc.description.abstract | Sa istruktura ng lipunan maiuugat ang repleksyong ipinakikita ng tradisyunal na midya. Ang pag-iral nito ay kakikitaan ng patuloy na nagbabago at lumalawak na moda. Ang ipinamamalas nito sa aktwal na praktis ay nabahiran na ng iba’t ibang tunggalian sa nakalipas na sistemang pampulitika sa bansa. Ang pananatili ng mga atrasadong katangian nito ay maiuugnay sa lipunang may higit na kontrol at impluwensya ang mga nakaangat sa materyal na kondisyon. Sa kabuuan, pinanatili ang ganitong kaayusan ng iilan upang patuloy na magamit sa pagsusulong ng pansariling interes at pagpilay sa anumang umuusbong na alternatibo sa nanaig na kaayusan. Ang pamahayagang Pilipino ay isa lamang sa maraming karapatang matagal nang ipinaglalaban. Bigong makapaglatag ang nakalipas na mga rehimen ng komprehensibong pamahayagang makapagbibigay ng angkop na kondisyon upang maisagawa ng publiko ang papel nito bilang mamamayang mapangmatyag, mapanuri at kritiko. Buo pa rin ang kaisipang Kanluranin at patuloy na tumatagos sa tradisyunal na pamahayagang Pilipino. Nagiging kaisa ang banghay ng Kanluran sa konteksto ng mainstream – maka-selebriti, alipin ng kapital at may layuning komersyante. Ang mainstream media sa nakalipas na mga dekada ay nanatiling sunud-sunuran sa tipo ng midyang pinalalaganap ng uring ang pangunahing hangarin ay makapagkamal ng kita. Sa makauring tunguhin, napatunayang hindi sapat ang ilalahad sa mamamayan dahil na rin sa interes ng kapital at hindi serbisyo-publiko ang makinaryang nagpapatakbo sa mga mainstream media outlet. Ang oryentasyon ng mga pangunahing behikulo ng impormasyon ay lubusang nakaapekto sa paraan kung paano nito ipababatid sa publiko ang kailangan nitong malaman – sa kung paano nito ikokonteksto at ituturin ang isang partikular na usaping panlipunan. Ang publikong ang tanging inaasahan ay ang impormasyong inilalathala o inieere ng mainstream ay may higit na tendensiyang tanggapin lamang ang mga ito batay na rin sa kinalakhang pamahayagang pinamamayanihan at naitaguyod na ng tradisyunal na midya – kinalakhan at patuloy na pinaniniwalaan bilang “tunay na mukha ng pamahayagang Pilipino.” | en_US |
dc.language.iso | other | en_US |
dc.subject | Alternative media | en_US |
dc.subject | Mainstream media | en_US |
dc.title | Ang ekonomyang politikal ng alternatibong pamamahayag bilang instrumento sa pagpapalalim ng panlipunang kamulatan at pampulitikang edukasyon. | en_US |
dc.type | Thesis | en_US |
Appears in Collections: | BA Development Studies |
Files in This Item:
File | Description | Size | Format | |
---|---|---|---|---|
CD-E56.pdf Until 9999-01-01 | E56.pdf | 1.75 MB | Adobe PDF | View/Open Request a copy |
Items in DSpace are protected by copyright, with all rights reserved, unless otherwise indicated.