Please use this identifier to cite or link to this item: http://dspace.cas.upm.edu.ph:8080/xmlui/handle/123456789/349
Title: Pampulitikang ekonomiyang pagsusuri sa kalagayan ng mga manggagawang bukid sa Hacienda Bolo-Bolo at Hacienda Sta. Maria Negros Occidental.
Authors: Hechanova, Shayne Marie Rebadomia
Keywords: Economic conditions of farmers
Agricultural workers
Hacienda Bolo-Bolo
Hacienda Sta. Maria
Negros Occidental
Issue Date: Feb-2010
Abstract: Ang mga magsasaka ang pangunahing puwersa sa lipunang Pilipino. Umaabot sa halos 75 bahagdan ng populasyon ng bansa ay magsasaka at nakasandig sa lupa. Dahil sa pananatili ng katangiang mala-kolonyal at mala-piyudal ng lipunang Pilipino, unti-unting lumiliit ang bahagdang naiaambag ng industriya ng agrikultura sa kabuuang kita ng bansa. Unti-unti ring dumadami ang bilang ng mga magsasakang nawawalan ng lupang masasaka at sa kalaunan ay napipilitang magbenta ng lakas paggawa sa mga mapagsamantalang panginoong may lupa. Ang kalagayan ng mga manggagawang bukid sa mga asyenda ng tubo ay isang larawan ng kalakhang kalagayan ng mga uring magbubukid. Ang kabuuang pag-aaral na ito ay may pangkalahatang layunin na suriin ang pampulitikang ekonomiyang kalagayan ng mga manggagawang bukid sa mga asyenda ng tubuhan partikular sa asyendang nasa ilalim ng pamunuan ng korporasyon at sa kamay ng mga pamilya ng asendero. Ninanais din ng mananaliksik na muling balikan ang pag-aaral o pagsiyasat sa kalagayan ng mga manggagawang dumaan at sakada sa mga asyenda lalo na sa kasalukuyang panahon at tingnan kung may ipinagkaiba o ipinagbago ba ang kalagayan nila mula sa mga pagaaral noong dekada 70. Ang paraan na ginamit sa pananaliksik na ito ay ang pangangalap ng mga datos mula sa mga arkibong materyales, pagsagawa ng harap-harapang sarbey sa pagsagot ng mga talatanungan, pakikipanayam sa mga manggagawang bukid ng asyenda, mga dumaan na regular, dumaan na kaswal at mga sakada, mga lider, nakatatanda at mga cabo, at sa kontraktor ng mga sakada. Sa kabuuan, sinasalamin ng pananaliksik na ito ang tunay na kalagayan ng manggagawang bukid ng Pilipinas. Sa pag-aaral ng obhektibong kalagayan ng mga manggagawa sa asyenda ng tubuhan, nagkaroon ng konkretong halimbawa para makita ang tunay na kondisyon ng mga manggagawang bukid. Ang mga kalahok sa pag-aaral na ito ay ilan lamang sa milyon-milyong manggagawa sa agrikultura sa buong Pilipinas na nalulugmok sa kahirapan ng buhay dahil sa pananamantala ng iilang naghaharing uri sa lipunan.
URI: http://dspace.cas.upm.edu.ph:8080/jspui/handle/123456789/349
Appears in Collections:BA Development Studies

Files in This Item:
File Description SizeFormat 
CD-E57.pdf
  Until 9999-01-01
E57.pdf2.51 MBAdobe PDFView/Open Request a copy


Items in DSpace are protected by copyright, with all rights reserved, unless otherwise indicated.