Please use this identifier to cite or link to this item: http://dspace.cas.upm.edu.ph:8080/xmlui/handle/123456789/353
Title: Zone One Tondo Organization (ZOTO): isang pag-aaral ng isang Organisasyon ng Maralitang Tagalungsod.
Authors: Go, Vina Karmela Y.
Keywords: Urban poor organizations
Zone One Tondo Organization
Issue Date: Mar-2009
Abstract: Ang kapabayaan ng pamahalaan na tugunan ang batayang pangangailangan gaya ng serbisyong pangkalusugan, edukasyon at tahanan ng mga mamamayan higit na ng mga taong nabibilang sa maralitang tagalunsod ang siyang nagbunsod ng pagkakaroon ng mga organisasyon ng maralitang tagalunsod. Ang mga organisasyong ito ang siyang nagsisilbing kinatawan ng mga taong kalimitan ay iginigilid sa lipunan. Ang mga samahang may ganitong layunin ang siyang magiging tagapamagitan at tagapangalaga ng mga karapatan na taglay ng mga taong may mababang antas ng pamumuhay. Bunga ng ganitong kalagayan at sistema sa lipunan, ang pag-aaral na ito ay tatalakayin ang tunay na kalagayan ng mga maralitang tagalunsod kabilang na ang kanilang mga suliranin at ang mga organisasyong nagsisilbi rito at bibigyang-diin ang mga dahilan o salik na nakaaapekto o nakapagpapanatili ng katatagan ng Zone One Tondo Organization o ZOTO na siyang pinakatampok na organisasyon ng maralitang tagalunsod sa pananaliksik na ito. Ang kakayahan nitong organisahin ang mga tao para kanilang maprotektahan ang kanilang mga karapatan gamit ang integratibong pamamaraan ang siya ring bibigyang paliwanag kasama ng makulay nitong kasaysayan sa mundo ng pag-oorganisa at pakikibaka.
URI: http://dspace.cas.upm.edu.ph:8080/jspui/handle/123456789/353
Appears in Collections:BA Development Studies

Files in This Item:
File Description SizeFormat 
CD-E61.pdf
  Until 9999-01-01
E61.pdf346.83 kBAdobe PDFView/Open Request a copy


Items in DSpace are protected by copyright, with all rights reserved, unless otherwise indicated.