Please use this identifier to cite or link to this item:
http://dspace.cas.upm.edu.ph:8080/xmlui/handle/123456789/3693| Title: | Teacher, Teacher, Ito po ang Gawa ko…Ang Papel ng Sining at mga Isyu ng OFW sa Batang Atikha Summer Arts and Crafts Workshop 2004 |
| Authors: | Del Castillo, Jacqueline Anne S.D. |
| Keywords: | sining Overseas Filipino Worker batang atikha workshop expressive art therapy |
| Issue Date: | Mar-2005 |
| Abstract: | Ang pag-aaral na i to ay tungkol sa Ba tang Atikha Summer Arts and Crafts Workshop 2004 sa Mabini, Batangas, ang papel ng sining sa nasabing workshop at ang rnga isyu ng Overseas Filipino Workers (OFWs) na purnapaloob dito batay sa pananaw ng. rnga facilitators. Ginarni t sa pag-aaral na i to ang panayarn sa lahat ng rnga facilitators sa bawat larangan ng sining (teatro, sining-biswal, rnusika at sayaw), ang rnga karanasan nila sa pakikisalarnuha sa rnga bata at ang ebalwasyon nila sa naturang workshop. Masusi ring inaral ang pinagrnulan ng isyu ng OFW lalo' t higit ang tungkol sa rnigrasyon. Makikita sa ikalawang kabanata ang paglalahad ng socio-economic profile ng Mabini, Batangas na siyang direktang nakakaapekto sa pangingibang-bansa o pagiging rnigrante ng rnga rnarnarnayan doon. Matapos nito, binigyang detalye rin ang pag-usbong o pagkatatag ng organisasyong Atikha Inc. na naglalayong tulungan ang rnga OFW at ang parnilya nito. Surnunod na inilahad ay ang rnga naganap sa Batang Atikha Summer Arts and Crafts Workshop. Inisa-isa ang rnga larangan ng sining na ginarni t, ang teatro, sining-biswal, rnusi ka at sayaw. Inihain din ang bilang ng rnga kalahok sa bawat larangan at ilang rnga insidenteng purnasok ang epekto ng rnigrasyon sa ilan sa rnga bata. Natapos ang pagsasanay at bahagyang naging rnatagurnpay ang resulta nito. Sa pagsusuring ginawa ng mga facilitator, napansin na sa kabila ng mga layunin ng Atikha Inc. sa workshop na una, ang matulungan ang mga bata na maintindihan ang buhay at trabaho ng kanilang mga magulang sa ibang bansa; pangalawa, ang mapaintindi sa kanila ang paghihirap at pagsusumikap ng kanilang mga migranteng magulang at kamag-anak; pangatlo, upang makapagbigay ng puwang para sa pagbabahagian ng mga karanasan, pagpapakita ng talento at pagiging malikhain ng mga anak ng OFW; at panghuli, upang makapagbiqay ng mga ideya at pagkakataon sa mga bata kung paano maging young entrepreneurs, mas naging dominante pa rin ang paggamit sa workshop bilang hingahan ng mga suppressed (conscious o alam ngunit itinatago) na emosyon ng mga bata. Hindi rin nagkatugma ang layunin ng Atikha Inc. at ng facilitators. Kaya naman sa huli, naghain ng mungkahi o suhestyon ang mananaliksik bilang isa sa mga facilitators ng maaaring maging daloy ng programa para sa mga susunod na workshop. Dito isinali ang konsepto ng Expressive Art Therapy o ang paggami t ng iba' t ibang larangan ng sining (teatro, sining-biswal sayaw, musika, etc.) sa isang nakatutulong na kapaligiran upang mapasimulan ang growth at healing. Kapansin-pansin ang kainaman nito sa konteksto ng mga anak ng OFW. |
| URI: | http://dspace.cas.upm.edu.ph:8080/xmlui/handle/123456789/3693 |
| Appears in Collections: | BA Philippine Arts Theses |
Files in This Item:
| File | Description | Size | Format | |
|---|---|---|---|---|
| 2005_Del Castillo JASD_Teacher, Teacher, ito po ang gawa ko... Ang Papel ng Sining at mga Isyu ng OFW sa Batang Atkha Summer Arts and Crafts Workshop 2004.pdf Until 9999-01-01 | 51.8 MB | Adobe PDF | View/Open Request a copy |
Items in DSpace are protected by copyright, with all rights reserved, unless otherwise indicated.