Please use this identifier to cite or link to this item:
http://dspace.cas.upm.edu.ph:8080/xmlui/handle/123456789/3696| Title: | Ang Dimensyong Mitolohikal at Historikal sa Kwent oni Ana Kalang |
| Authors: | Depusoy, Jessalee E. |
| Keywords: | mitolohikal nagcarlan historikal festival tradisyon kamalayan |
| Issue Date: | Apr-2004 |
| Abstract: | Mula noon hanggang sa kasalukuyan ang bayan ng Nagcarlan ay palagiang nakakabit sa pangalang Ana Kalang. Sa loob ng mahabang panahon ang tradisyon ni Ana Kalang ay patuloy na nakakaimpluwensya sa buong bayan ng Nagcarlan, Laguna sa pamamagitan ng taun-taong pagdiriwang ng Ana Kalang Festival. Si Ana Kalang ay pinaniniwalaang may malaking naiambag sa paghubog ng bayang i to ayon sa mga kapaniwalaang bayan bagamat ang kanyang tunay na katauhan ay hindi malinaw sa mga naninirahan dito. Sa kadahilanang ito nakita ng manunulat ang pangangailangang hanapin ang kasagutan sa tanong kung ano ang mga dimensyong mitolohikal at historikal sa kwento ni Ana Kalang batay sa akademikong pag-aaral. Sa pagsagot sa katanungang ito, matiyagang kumalap ng impormasyon ang may-akda mula sa akdang pangliteratura at pakikipanayam sa mga naninirahan dito. At upang lalung palawigin ang pag-aaral na ito, ang manunulat ay makailang ulit na bumisita sa lugar kung saan ang pangalang Ana Kalang ay napakahalaga. Mula sa mga impormasyong nakuha, ang may-akda ay masusing isinaayos, sinuri, at binigyan ng sariling interpretasyon ang mga kwento. Ang mga nabuong konsepto mula sa kanyang pagsusuri ay sinuportahan ng mga pananaw batay sa mga teori tikal na perspektiba at ginami t rin ang tematiko mabigyang at historikal kahulugan ang na pakahulugan dimensyong upang lalung mitolohikal at historikal na bumabalot sa katauhan ni Ana Kalang. Sa pamamagitan ng sala-salabid na konseptong nabuo, ang manunulat ay nakapaghain ng Conceptual Framework batay sa katauhan ni Ana Kalang. Pinagtapat-tapat ang mga aspetong bumubuo sa mitolohikal at historikal niyang katauhan at napag-alaman na maraming magkakasalungat na pangyayari sa buhay ni Ana Kalang ang hindi sumasang-ayon sa daloy ng kasaysayan. Sa pamamagitan ng mga naisaad na pamamaraan, ang mga sumusunod ay napatunayan: Una, masasabing si Ana Kalang ay isang imaheng nabuo ng mitolohiya ngunit dahil sa kolektibong pananaw at paniniwala ng mga Nagcarlefio kung kaya' t siya ay kabahagi na rin ng kasaysayan ng bayan. At panghuli, mitoliohikal man 0 historikal ang katauhan ni Ana Kalang ito ay hindi na mahalaga para sa mga Nagcarlefio sapagkat sa loob ng napakatagal na panahon si Ana Kalang ay naging parte na ng kanilang kamalayan at patuloy pa itong pinagiigting sa pamamagitan ng taun-taong pagdiriwang ng Ana Kalang Festival. |
| URI: | http://dspace.cas.upm.edu.ph:8080/xmlui/handle/123456789/3696 |
| Appears in Collections: | BA Philippine Arts Theses |
Files in This Item:
| File | Description | Size | Format | |
|---|---|---|---|---|
| 2004_Depusoy JE_Ang Dimensyong Mitolohikal at Historikal sa Kwento ni Ana Kalang.pdf Until 9999-01-01 | 49.73 MB | Adobe PDF | View/Open Request a copy |
Items in DSpace are protected by copyright, with all rights reserved, unless otherwise indicated.