Please use this identifier to cite or link to this item:
http://dspace.cas.upm.edu.ph:8080/xmlui/handle/123456789/3697| Title: | Ang Carabao Festival ng Pulilan, Bulacan: Isang Pag-aaral sa mga Elementong Bumubuo sa Tradisyon |
| Authors: | de Guzman, Gladys L. |
| Keywords: | carabao festival tradisyon ritwal kultura magsasaka |
| Issue Date: | Mar-2004 |
| Abstract: | Ang suliranin ng pag-aaral ay ito: Anu-ano ang mga elementong bumubuo sa tradisyon ng Carabao Festival? Sa pagsagot sa sul iraning i to, nagpunta ako sa mga silid-aklatan upang mangalap ng mga datos tungkol sa Carabao Festival at iba pang babasahin na may kinalaman dito. Para sa karagdagang kaalaman at impormasyon, nagtungo din ako sa larangan upang magsagawa ng mga panayam. Tungo sa pagsusuri sa mga elementong ito, ginamit kong basehan ang mga elementong sinulat ni Dr. Hornedo sa kanyang aklat. Ang mahahalaga at magkakaugnay na elementong ito ay ang mito (myth), ritwal (ritual), at layunin (purpose). Upang mabigyang kahulugan ang mga elementong ito at mabigyang ebalwasyon ang ginawang pag-aaral, ginamit ko ang pangkanilang pananaw at pagsusuri. Ang mga elementong bumubuo sa tradisyon ng Carabao Festival ay mahahati sa dalawa: mga materyal at di-materyal na elemento. Kabilang sa mga materyal na elemento ay ang imahe ni San Isidro Labrador; misa at nobena; kalabaw at magsasaka; mga carrosa, kariton at float; mga banda ng musiko at sundalos; naaning gulay, prutas at iba pang pagkain. Kabilang naman sa mga di-materyal na elemento ay ang kultura, kasaysayan ng Bayan, kinalakihang tradisyon ng mga tao, pananampalataya o relihiyon, paniniwala ng lahi, kondisyon ng lupa at kalikasan at paraang pangkabuhayan. Ang tradisyon ng Carabao Festival ay mahalaga para sa mga magsasaka at sa lahat ng mamamayan ng Pulilan. Untiunti nang nagkakaroon ng pagbabago sa tradisyong ito kaya naman ang pagdiriwang nito ay higit na mas mahalaga para sa mga kabataan upang magkaroon sila ng kamalayan sa tunay na diwa ng nakagisnang tradisyon. |
| URI: | http://dspace.cas.upm.edu.ph:8080/xmlui/handle/123456789/3697 |
| Appears in Collections: | BA Philippine Arts Theses |
Files in This Item:
| File | Description | Size | Format | |
|---|---|---|---|---|
| 2004_de Guzman GL_Ang Carabao Festival ng Pulilan, Bulacan (Isang Pag-aaral sa mga Elementong Bumubuo sa Tradisyon).pdf Until 9999-01-01 | 46.87 MB | Adobe PDF | View/Open Request a copy |
Items in DSpace are protected by copyright, with all rights reserved, unless otherwise indicated.