Please use this identifier to cite or link to this item:
http://dspace.cas.upm.edu.ph:8080/xmlui/handle/123456789/3762| Title: | Ang Panunuluyan: Ang Theater Center ng Philippine Educational Theater Association |
| Authors: | Orillaza, Aaron Gil S. |
| Keywords: | theater center Philippine Educational Theater Association (PETA) tanghalan istraktura panunuluyan adhikain |
| Issue Date: | Apr-2006 |
| Abstract: | Sa loob ng mahigit na tatlumpung taon, ang Philippine Educational Theater Association o PETA ay nagtiis ng paglipat lipat na lugar ng kanilang tanggapan, tanghalan at paaralan. Noong Oktubre 2005, ang Theater Center ay pormal na itinatag upang maging permanenteng tahanan ng PET A na siyang pagsasakatuparan ng kanilang matagal nang pangarap na magkaroon ng sariling lugar na pagdarausan ng kanilang mga pagtatanghal at paaralan. Mula sa Rajah Solayman Theater sa Fort Santiago ang PETA ay nanuluyan sa Quezon City sa bagong PET A Theater Center. Sa unang tingin marami ang hahanga sa makabagong istraktura ng gusali ng Theater Center. Ang disenyo ng gusali na gawa ng Leandro V. Locsin and Partners ay kaiba sa kumbensyunal na tanghalan, ang modernong gusali ay nagpapakita lamang ng pagiging bersatil ng PET A sa mga pagbabagong nagaganap sa lipunan nito. Ngunit hindi natin dapat ituon ang ating pansin sa pisikal na aspeto ng tanghalan, dahil kung para sa atin, ito ay isa lamang katangi - tanging lugar ng tanghalan, para sa mga taga-PET A, ito ay kanilang tahanan. Mababakas sa mga damdamin ng mga miyembro ng PETA ang lubes na kasiyahan sa pagkakaroon ng sariling tanghalan, lahat ay ganado at nais magbigay ng kanilang tulong sa pagpapaunlad ng buong organisasyon. Bagamat iisa ang damdamin ng lahat sa pagkakaroon ng Theater Center, magkakaiba pa rin ang pananaw ng bawat miyembro ukol sa kahulugan at kahalagahan nito. Ang magkakaibang pananav.,. na ito ang magiging susi sa pagbuo ng apat na haligi ng PET A sa pagpapaunlad ng kanilang adhikain. |
| URI: | http://dspace.cas.upm.edu.ph:8080/xmlui/handle/123456789/3762 |
| Appears in Collections: | BA Philippine Arts Theses |
Files in This Item:
| File | Description | Size | Format | |
|---|---|---|---|---|
| 2006_Orillaza AGS_Ang Panunuluyan: Ang Theater Center ng Philippine Educational Theater Association.pdf Until 9999-01-01 | 79.39 MB | Adobe PDF | View/Open Request a copy |
Items in DSpace are protected by copyright, with all rights reserved, unless otherwise indicated.