Please use this identifier to cite or link to this item:
http://dspace.cas.upm.edu.ph:8080/xmlui/handle/123456789/3773Full metadata record
| DC Field | Value | Language |
|---|---|---|
| dc.contributor.author | Sta. Agueda, Jennifer Chris A. | - |
| dc.date.accessioned | 2026-06-30T07:21:17Z | - |
| dc.date.available | 2026-06-30T07:21:17Z | - |
| dc.date.issued | 2003-10-16 | - |
| dc.identifier.uri | http://dspace.cas.upm.edu.ph:8080/xmlui/handle/123456789/3773 | - |
| dc.description.abstract | Ang 'bati' o Sayaw ng Pagbati ay isang sayaw ng pagsalubong sa Panginoong Hesukristo. Sinasalamin nito ang kasiyahan at kagalakan ng mga tao na nabuhay ng muli si Hesus. lsang kinaugaling tradisyon ito sa bayan ng Parariaque na dinaraos tuwing Semana Santa. lsang bahagi ito sa pagdaraos ng Salubong na hanggang sa ngayon ay lubos na tinatangkilik ng mga Paraquenos. lsisnasagawa ito sa apat na baranggay tulad ng Sto. Nino, San Dionisio, Don Galo at La Huerta. Sa pag-aaral na ito layunin ng mananaliksik na tukuyin ang pangyayari sa buhay ng Hesukristo kung saan nakabatay ang pagdiriwang ng Sayaw ng Pagbati. Pangalawa, mailarawan ang hakbang ng Bati at suriin kung may sinisimbolo ang ilang mga hakbang. Pangatlo, ay isa-isahin ang mga saloobin at pananaw ng ilang mga mananayaw at ma-iugnay ang kanilang mga pananaw sa tatlong aspeto na ilalarawan at sa gayon ay masuri kung ano ang kahalagahan at kahulugan ng Bati para sa mga Paraqueno. At pang-apat ay mabigyang linaw ang konsepto ng Bati para sa Paraquerio kumpara sa mga artikulo o akdang nailimbag na ukol dito. Nalaman sa pagsusuri na ginawa na ang Bati ay isa lamang sa pamamaran ng mga Katolikong Paraquerio upang ipagdiwang ang muling pagkabuhay ng Panginoong Hesukristo. Sa pagdiriwang na ito iniaalay ng buong komunidad ang k.anilang mga panalangin at pagpapasalamat sa Panginoong Hesukristo. Ang ilang mga hakbang ng sayaw ay nagpapakita ng pagbibigay importansya sa mga sinisimbolo ng mga imaheng sinasayawan. Sa sayaw rin na ito naipakita ang pagtatagumpay ng Panginoong Hesukristo sa kamatayan. Litaw na litaw sa Sayaw ng Pagbati ang paniniwalang pangrelihiyon ng mga Paraquerio. Makikita ang kanilang paniniwala sa Panginoon bilang espiritu na magliligtas at dudulog sa k.anilang mga pabor at panalangin. Sa pakikipanayam ng mananaliksik sa mga taga-La Huerta, Don Galo at Sto. Nino, napag-alaaman na iba ang kanilang konsepto ng Bati sa nailimbag na kahulugan na binigay ni Francisca Reyes Aquino, isang National Artist para sa Sayaw. Sa pangkalahatan, malalagom ang kanilang mga sagot sa tatlong aspeto: tinutukoy nila ang Bati bilang isang pista, ritwal, at panata/debosyon. Ito ay matutukoy na isang pista sapagkat maliban sa relihiyoso ang kabuuan at layon ng pagdiriwang na ito, kailangan ang partisipasyon. ng buong komunidad upang maisakatuparan ang tunay na layunin ng pagdiriwang. lto'y sinasabing isang ritwal sapagkat layon nito ang palubagin ang loob ng Panginoong Hesikristo. Bilang isang panata, binibigyan kahalagahan ang pagsasakripisyo na nadarama ng mga batang nagsasayaw upang mabigyang pasasalamat o humiling ng pabor sa Diyos na kanilang sinasamaba, ganon na rin ang mga kahilingan at panalangin ng naging kasapi sa pag-oorganisa at mga nakiki-isa sa pagdiriwang na ito. Naniniwala ang mananaliksik na ang pakikilahok ng mga Paraqueno sa Sayaw ng Pagbati ay dahil sa udyok ng kanilang espiritu o kaluluwa. Ang pakikiisa nila ay hindi lamang upang magsakripisyo bilang pag-aalay at pasasalamat kay Hesus. Higit sa lahat, ipakita ang kanilang matinding kasiyahan, paniniwala at pananampalataya sa muling nabuhay na Hesukristo. | en_US |
| dc.subject | sayaw ng pagbati | en_US |
| dc.subject | semana santa | en_US |
| dc.subject | pananampalataya | en_US |
| dc.subject | ritwal | en_US |
| dc.title | Sayaw ng Pagbati ng Parañaque Isang Dokumentasuon at Pag-aaral | en_US |
| dc.type | Thesis | en_US |
| Appears in Collections: | BA Philippine Arts Theses | |
Files in This Item:
| File | Description | Size | Format | |
|---|---|---|---|---|
| 2003_Sta. Agueda JCA_Sayaw ng Pagbati ng Parañaque _ Isang Dokumentasyon at Pag-aaral.pdf | 44.8 MB | Adobe PDF | ![]() View/Open |
Items in DSpace are protected by copyright, with all rights reserved, unless otherwise indicated.
