Please use this identifier to cite or link to this item:
http://dspace.cas.upm.edu.ph:8080/xmlui/handle/123456789/3777| Title: | Ang Sandaigdigan sa mga Piling Tultol at Ritwal ng mga Tagbanua |
| Authors: | Martinez, Ellen M. |
| Keywords: | sandaigdigan tagbanua tultol ritwal kaluluwa pamamaraan |
| Issue Date: | Mar-2003 |
| Abstract: | Ang diwa ng sandaigdigan ng rnga Tagbanua ay rnaaaring rnasalamin sa parnarnagitan ng kanilang mga tultol o alarnat at rnga ri twal. Garni t ang gani tong rnga paradirno, sinuri ng mananaliksik ang rnga kaisipang natatago sa parnamagitan ng structural analysis at thematic analysis. Sa tulong ng rnga parnamaraang ito, maaaring makita ang higit pang malalim na rnga kaisipan tungkol sa sandaigdigan at ang ugnayan ng mga elernento rito sa isa't isa. ng rnga datos ay batay sa Sunud-sunod rin ang kamalayan ng Tagbanua Ang pamamaraan ng paglalahad kasaysayan o lapit historical. paglalahad ng tul tol, ri twal at ang at ng iba pang grupo sa sandaigdigan. Sumangguni sa karnalayan ng sandaigdigan ng ibang grupong kultural upang higit pang mapagtibay ang paniniwala ng mga Tagbanua ri to. Mula sa gani tong uri ng pag-aaral, rnakiki ta ang ilang pagkakapareho o pagsasalungat ng paniniwala sa sandaigdigan. Bilang resul ta ng pag-aaral, ang diwa ng sandaigdigan ng rnga Tagbanua ay binubuo i to ng iba' t ibang rehiyon o realms na kung saan may rnga parti kular na mga diwata o diyos at maging espiritu ng mga yumao ay naninirahan. Ang sandaigdigan ng Tagnabua ay nahahati sa tatlo: ang langit, lupa at ilalim ng lupa. Sa bawat bahaging ito ay may mga rehiyong o sapin na nakapagitan. Ang langi t ay nahahati sa pi tong rehiyon o sap in. Sa tuktok ng langit matatagpuan ang diwatang si Tungkuyanin na nananatiling nakayuko s a kalupaan. Sa bahagi ng bahaghari na tinatawag na buluntong ay bahagi ng langit kung saan ang diwata na si Magreked rnatatagpuan at iba pang mga diwata. Ang isa pang rehiyon na siyang pinaka-sagrado para sa mga Tagbanua ay ang awan-awan kung saan ang pinakamataas na Diyos na si Manguindusa rnatatagpuan na nakaupo sa kanyang trono na isang duyan na tinatawag na bintayawan o barbarangan. Kasama ni Manguindusa ang kanyang asawa na si Bugawasin at ang rnga diwatang tagapaghatid sa kanya ng rnge mensahe o dibuwatanin. Sarnantala, ang bahagi naman ng mga kaulapan ay t inatawag na dibuwa t at di to ang rnga espiri tu ng yumao na tinatawag na bangkay o bulalakaw. Sila ay narnatay sa karahasan tulad ng pagkalason, o namatay sa panganganak. Nandito rin sa dibuwat ang biyangunan, ang mga kaluluwa ng namatay sa taga ng bolo at ang mukha at katawan nito'y nababalutan ng apoy. Kasama ng mga espiritung ito sa dibuwat si Diwata kat Dibuwat. Sa isa pang bahagi ng langit, ang rehiyon na may malakas na hangin mula sa hilaga, matatagpuan naman si di wa ta ka t timba 'an na pinamumunuan ang iba pang diwata. Ang pang-anim na rehiyon ng langit ay ang kiyabusan. Ang bahagi na kung saan ay walang anumang presensya ng hangin. Dito matatagpuan ang mga diwatang kinatatakutan ng mga Tagbanua, ang mga salakap. Ito ay pinamumunuan ni Tumangkuyun. Kasama niya ri to sina Tandayag, Sumurutun (ang kapitan ng bangkang adiyung) at ang tatlo nitong tenyente, Tuwan Ding, Tuwan Pagbuysan, at Tuwan Pagraskadan. Isa sa mga diwata rin na matatagpuan sa kiyabusan ay si Lumalayag, isang mandirigma na nakikipaglaban sa mga salakap. Ang ikalawang bahagi ng sanlibutan ng Tagbanua ay ang kalupaan. Dito naman matatagpuan ang mga nabubuhay na mga Tagbanua. Gayunpaman, sa kalupaan ay may iba't ibang nilalang rin maliban sa mga tao. Ang mga kaluluwa ng mga yumao na nagtatagal ng pitong araw pagkatapos nilang pumanaw. Ang isang uri naman ng kaluluwa ng Tagbanua, ang payu ay dito mapupunta sa kalupaan sa pormang ramu-ramu o mga insektong hindi kumakain ng palay. May mga diwata rin na nananahan sa kapaligiran. Sila ang mga panyaan na partikular na matatagpuan sa mga kagubatan. Sila ay maaaring makatulong sa pananim ngunit maaari ring magalit at magbigay ng sakit sa Tagbanua na tinatawag na sabu. Kasama ng mga panyaan ang mga masasamang espiritu na tinataag na damdam. Nasa kapaligiran lang rin matatagpuan ang mga Tagbanuang namatay sa sabu, ang mga biyaladbad. Ang huling bahagi ng sandaigdigan ay ang basad. Ito ay ang bahagi ng ilalim ng lupa o underworld. Sa basad napupunta ang isa sa dalawang uri ng kaluluwa ng Tagbanua, ang kiyarulwa na namatay sa normal na kadahilanan. Ang mga kiyarulwa ay dadaan sa sagradong ilog ng basad ang kalabegang. Matatagpuan rito si Talikayed, ang bantay ng tulay na tinatawag na balugu. Pagkatapos dumaan sa paglili tis ni Talikayed, ang kiyarulwa ay sasalubungin ni Anggugru, ang nagbibigay pugay sa mga kiyarul wa. Ang mga kiyarulwa ay magiging Tiladmanin na patuloy na mamumuhay sa basad. Ang buong sandaigdigan na ito ng mga Tagbanua ay sinusuportahan ng dalawang puno, ang isa ay sa silangan o Baba tan na pinamumunuan ng diwatang si kat libatan. Ang isa naman ay sa kanluran o Sidpan na pinamumunuan ni diwata kat sidpan. Ang dalawang punong ito ay nililinis at hinuhugasan ng pinuno ng mga salakap na si Tumangkuyun sa pamamagitan ng dugo ng mga Tagbanua na namatay sa epidemya. |
| URI: | http://dspace.cas.upm.edu.ph:8080/xmlui/handle/123456789/3777 |
| Appears in Collections: | BA Philippine Arts Theses |
Files in This Item:
| File | Description | Size | Format | |
|---|---|---|---|---|
| 2003_Martinez EM_Ang Sandaigdigan sa mga Piling Tultol at Ritwal ng mga Tagbanua.pdf | 56.16 MB | Adobe PDF | View/Open |
Items in DSpace are protected by copyright, with all rights reserved, unless otherwise indicated.