Please use this identifier to cite or link to this item: http://dspace.cas.upm.edu.ph:8080/xmlui/handle/123456789/398
Full metadata record
DC FieldValueLanguage
dc.contributor.authorReyes, Kaye Melody M.-
dc.date.accessioned2016-03-16T06:47:51Z-
dc.date.available2016-03-16T06:47:51Z-
dc.date.issued2014-04-
dc.identifier.urihttp://dspace.cas.upm.edu.ph:8080/jspui/handle/123456789/398-
dc.description.abstractHanggang sa kasalukuyan, laganap pa rin ang mga pagpapalit-gamit ng lupa sa Pilipinas at isa ang probinsya ng Cavite sa dumadanas nito. Bagamat mayroon nang mga pag-aaral ang nagawa ukol sa pagpapalit-gamit ng lupa sa ibang bahagi ng Cavite, napag-iiwanan ang munisipalidad ng General Trias pagdating sa usaping ito. Tiningnan ng pag-aaral na ito ang epekto ng pagpapalit-gamit ng lupa sa General Trias partikular na sa barangay Santiago. Upang malaman ang mga epekto ng pagpapalit-gamit ng lupa, gumamit ng sariling questionnaire ang mananaliksik at ipinasagot sa limampung pesante. Nakipanayam din ng mga kinatawan ng isang pangmasang organisasyon—KAMAGSASAKA-KA, at isang kinatawan mula sa lokal na pamahalaan ang mananaliksik upang mas maintindihan pa ang pagpapalit-gamit ng lupa sa lugar. Epekto sa kita, pang-ekonomikong kasiguruhan (economic security), at pangangamkam ng lupa ang sentro ng pag-aaral. Ipinakita sa resulta na marami sa mga pesante (38%) ang nanatili sa dati ang kinikita matapos ang pagpapalit-gamit ng lupa bagaman dumami ang bilang ng pesanteng tiyak na mas mababa pa sa minimum wage ang kita (mula 22% tungong 52%). Sa kabila ng pagpapalit-gamit ng lupa, marami sa kanila ang nanatiling magsasaka (36%). Ipinakita sa resulta na maraming pesante ang naniniwalang hindi pangmatagalan ang mabuting dulot ng pagpapalit-gamit ng lupa(66%). Dahil dito, nagkaroon sila ng impermanence syndrome o kawalan ng kumpyansa sa katatagan at pangmatagalang silbi ng pagsasaka kaya ang kanilang naipon ay ipinundar nila sa ibang pagkakakitaan(28.66%). Walang naiulat na pangangamkam ng lupa sa barangay Santiago bagaman 62% sa mga nagsagot ay walang sariling lupa.en_US
dc.language.isootheren_US
dc.subjectLand-use conversionen_US
dc.subjectLand grabbingen_US
dc.subjectEconomic securityen_US
dc.titleIsang kritikal na pag-aaral ukol sa epekto ng malawakang pagpapalit-gamit ng lupa sa kita at pang-ekonomikong kasiguruhan ng mga pesante sa barangay Santiago ng General Trias, Caviteen_US
dc.typeThesisen_US
Appears in Collections:BA Development Studies

Files in This Item:
File Description SizeFormat 
CD-E108.pdf
  Until 9999-01-01
E108.pdf15.49 MBAdobe PDFView/Open Request a copy


Items in DSpace are protected by copyright, with all rights reserved, unless otherwise indicated.