Please use this identifier to cite or link to this item:
http://dspace.cas.upm.edu.ph:8080/xmlui/handle/123456789/569
Title: | Lalaki't pamilya sa gitna ng labor migration ng babae isang pag-aaral sa househusbands-ang kanilang pag-agapay, pagtingin kapangyarihan, at pagkalalaki at ang epekto ng mga ito sa pamilya. |
Authors: | Azarraga, Joanna Marie V. |
Keywords: | Labor migration of women Motherless family House husbands Social cost |
Issue Date: | Apr-2010 |
Abstract: | Ang pagkakilanlan ng isang tao ay mahalaga sapagat ang mga desisyon, pagtingin, ugali, at aksyon ay nakabatay dito. Ang pamilya na isang proactive na ahente ng sosyalisasyon: binabago at nababago ng sitwasyon ay importante pag-aralan para malaman kung paano nahuhulma ng isang tao ang kanyang pag-iisip nung siya ay bata pa at kung paano ito nababago depende sa konteksto ng kasalukuyang panahon. Ang pamilya, na siyang mahalagang institusyon sa nationbuilding ay inapangalagaan din ng pamahalaan. May mga probisyon sa konstitusyon na naglalayon na protektahan ang pamilya mula sa mga salik na maaaring ika-guho nito. Kaya naman ang Labor Migration na naging isang stratehiya ng pamahalaan para sandalan ng ekonomiya, ay nagdudulot ng maraming social costs sa pamilya dahil ang mga pamilya ay hindi naihanda para sa ganitong sitwasyon. Lalo pa itong nadagdagan ng reversal of roles ng nagkaroong ng feminization of labor migration. Ang pagka-iwan ng mga lalaki bilang head ng household ay nagdudulot ng strain at kinalaunan ng reconfiguration sa anyo ng pamilyang Pilipino ngayon. Ang mga lalaki ay nakakaagapay sa pamamagitan ng mga skills na kanilang natutunan noong bata pa sila at sila ay napwersa na rin ng sitwasyon ngayon. Ang kanilang pagtingin sa sarili ay hindi naman maliit, ngunit, nabigyan nila ng kahulugan ang kanilang pagkalalaki sa paraang iba mga 20 taong nakalipas. Ang kanilang pag-agapay sa pamamagitan ng kanilang pagiiba ng pananaw sa isang lalaki, at ang patuloy na pagdali ng communication lines para maibsan ang pangungulila ang pangunahing mga pamamaraan para patuloy na mapatibay ang pamilya, kahit na malayo ang ina. |
URI: | http://dspace.cas.upm.edu.ph:8080/xmlui/handle/123456789/569 |
Appears in Collections: | BA Political Science |
Files in This Item:
File | Description | Size | Format | |
---|---|---|---|---|
CD-H92.pdf Until 9999-01-01 | 664.73 kB | Adobe PDF | View/Open Request a copy |
Items in DSpace are protected by copyright, with all rights reserved, unless otherwise indicated.