Please use this identifier to cite or link to this item:
http://dspace.cas.upm.edu.ph:8080/xmlui/handle/123456789/766
Full metadata record
DC Field | Value | Language |
---|---|---|
dc.contributor.author | Antonio, Isaiah Christian F. | - |
dc.date.accessioned | 2021-08-11T06:27:00Z | - |
dc.date.available | 2021-08-11T06:27:00Z | - |
dc.date.issued | 2019-05 | - |
dc.identifier.uri | http://dspace.cas.upm.edu.ph:8080/xmlui/handle/123456789/766 | - |
dc.description.abstract | Ang mga katutubong Ifugao na dating nagmula sa bayan ng Kordilyera ay bumaba sa Nueva Vizcaya ng Lambak Kagayan upang maghanap ng bagong oportunidad para sa mas maayos na kabuhayan. Sila ay bahagi ng Pambansang Minorya ng bansa. Sila ay patuloy na nakararanas ng iba at ibang pang-aabuso at isyu sa kanilang lupain. Ang kanilang laban para sa kanilang demokratikong karapatan para sa lupa at maayos na lugar-paggawa ay nagsimula nang pumasok ang iba at ibang malalawak na dayuhang minahan sa kanilang bayan. Ito ay bilang resulta ng iba at ibang mga polisiyang pangmina na naimplementa sa Pilipinas. Sa pamamagitan ng isang kalitatibong pagsisiyasat, layunin ng pananaliksik na ito na alamin ang kasalukuyang estado ng kalusugan at kaligtasan ng mga manggagawang kababaihan o minero ng mga maliitang-iskalang minahan sa Lambak Kagayan. Ang mga minera ay pangunahing nakararanas ng mga isyung pangkalusugan at kaligtasan buhat ng kanilang natural na mga genetiko, gayon na rin, sila rin ay patuloy na kumakaharap sa isyu ng dobleng-responsibilidad. Patuloy ang atake sa mga maliitang-iskalang minahan sa Lambak Kagayan. Sa pagpasok ng mga malalawak na dayuhang minahan, maraming mga maliit na minahan at maging mga komunidad ang naipasara at nasira. Mayaman ang Pilipinas, ngunit tila ba ay nakikipag-agawan ang mga Pilipino sa mga likas na yaman nito. Sa pamamagitan ng pag-aaral na ito, bibigyang linaw ang kasalukuyang estado ng mga maliit na minahan at maging ng mga manggagawa nito, partikular ang mga kababaihan, sa kabila ng mga epekto ng mga pambansang polisiya patungkol sa pagmimina. | en_US |
dc.language.iso | other | en_US |
dc.subject | Occupational Health and Safety | en_US |
dc.subject | Small Scale Mining Workers - Women | en_US |
dc.title | Ginintuang tanikala: isang pag-aaral sa mga patakaran ng pamahalaan hinggil sa kalusugan at kaligtasan ng manggagawang kababaihan ng mga maliitang-iskalang minahan ng Lambak Kagayan. | en_US |
dc.type | Thesis | en_US |
Appears in Collections: | BA Political Science |
Files in This Item:
File | Description | Size | Format | |
---|---|---|---|---|
CD-H282.pdf Until 9999-01-01 | 14.69 MB | Adobe PDF | View/Open Request a copy |
Items in DSpace are protected by copyright, with all rights reserved, unless otherwise indicated.