Please use this identifier to cite or link to this item: http://dspace.cas.upm.edu.ph:8080/xmlui/handle/123456789/974
Title: Isang pagsusuri sa planong pangkaunlaran sa imprastraktura ng lokal na gobyerno ng Meycauayan, Bulacan
Authors: Palomares, Janneth Kathleene Concepcion
Keywords: Infrastructure development plan
Local government
Issue Date: Mar-2013
Abstract: Sa panahong ito ng ating kasaysayan, nababakas ang mga krisis na patuloy na nananalaytay sa sistema ng ekonomiya at lipunan ng bansa. Ang malaking hidwaan sa pagitan ng mga mahihirap at mayayaman ay isang malinaw na indikasyon na patuloy na nabubuhay ang mga krisis sa sistema. Patuloy man ang pagbuo ng pamahalaan ng mga programa at polisiya na tutugon sa mga krisis na ito ay isang malaking palaisipan pa rin sa mamamayang bayan kung ginagampanan ba ang tunay nitong mga layunin, o nananatili na lamang bilang isang huwad na pangako na patuloy na nagdudulot na kahirapan sa maraming sektor ng lipunan. Tunay na malaki ang bahaging ginagampanan ng imprastraktura sa pagpapalago ng ekonomiya at lipunan ng isang bansa. Isa na ang lungsod ng Meycauayan, Bulacan sa nagtutulak ng mga programa at polisiya tungo sa matagumpay na pagpapalago ng ekonomiya nito sa tulong ng imprastraktura. Sa kasamaang palad, mayroon pa ring mga pagkakataon na naisasantabi ang mga primarya at esenyal na pangangailangan ng maraming Pilipino. Tunay na hindi lamang dapat natatapos sa pagbuo, pagpapanatili, at pagpapabuti ng mga pisikal na imprastraktura ang pagpapaunlad ng sektor na ito. Gayon din dapat ang sistemang nakapaloob at kinikilala upang matamo ang isang patas, moderno, at produktibong kaunlaran para sa lahat. Layunin ng pag-aaral na ito na suriin at talakayin ang kasalukuyang sistema at pagpaplano sa sektor ng imprastraktura, maging ang mga suliranin na humahadlang sa maayos at epektibong pagpapatupad ng mga ito. Susuriin din ang katotohanan sa likod ng pangako nitong kaunlaran, maging ang kakayahan ng gobyerno na iahon ang kalagayan ng lipunang Pilipino mula sa kasalukuyang kalagayan nito. Ayon sa kanila, kaunlaran ang hatid ng imprastraktura. Maaaring nagsasabi sila ng totoo ngunit ang tanong, kaunlaran ba ito para kanino?
URI: http://dspace.cas.upm.edu.ph:8080/xmlui/handle/123456789/974
Appears in Collections:BA Development Studies

Files in This Item:
File Description SizeFormat 
CD-E120.pdf
  Until 9999-01-01
3.19 MBAdobe PDFView/Open Request a copy


Items in DSpace are protected by copyright, with all rights reserved, unless otherwise indicated.