DSpace Repository

Mula buhay salat, tungong buhay sapat: ang pampolitikang ekonomya ng industriya ng tahong sa Bacoor, Cavite at ang papel ng likas-kayang kabuhayan kontra-kahirap

Show simple item record

dc.contributor.author Jose, Anjeanette D.
dc.date.accessioned 2021-08-27T03:31:22Z
dc.date.available 2021-08-27T03:31:22Z
dc.date.issued 2015-05
dc.identifier.uri http://dspace.cas.upm.edu.ph:8080/xmlui/handle/123456789/1004
dc.description.abstract Ang Bacoor ay kilala bilang "seat of the Philippine mussel industry". Sa loob ng ilang dekada ay pinagyaman ito ng mga henerasyon ng mga mandaragat ng siyudad at inalagaan hanggang sa umabot sa kinalalagyan nito ngayon. Sa kabila ng likas na yaman sa rekurso ng mga karagatan ng Bacoor, nalalagay sa alanganin ang hanapbuhay ng mga magtatahong dahil sa pagtutulak ng mga polisiyang sinasagasaan ang kanilang mga karapatan. Sa kabila rin ng yaman na ito ng mga karagatan sa bansa, nananatiling hirap sa buhay ang mga Pilipinong nakaasa sa mga yamang-tubig para sa kanilang hanapbuhay at pagkain. Ang mga mamamayan ng mga coastal na barangay ng Bacoor ay nangangambang mawalan ng kabuhayan at kita na kanilang ipinangtutustos sa mga pangangailangan sa araw-araw. Ang pag-aaral na ito ay ginawa upang mas mapalalim ang kaalaman at pagunawa sa mga lantad at tagong isyu na kinakaharap ng mga mandaragat ng Bacoor. Sa pamamagitan ng pakikipanayam at pagkuha ng kanilang saloobin, pakikilahok sa gawaing produksyon at sa direktang obserbasyon, hinimay at sinuri kung ano ang kasalukuyan nilang kalagayan sa ilalim ng mga reporma at programang kaunlaran ng pamahalaan. Itinatampok din ng pag-aaral kung ano ang mga pananaw ng mga mandaragat sa maka-dayuhang kaunlaran na nagreresulta sa pribatisasyon, industriyalisasyon at urbanisasyong sa halip na makatulong ay lalo lamang ibinabaon ang ang kanilang sektor sa lugmok na kalagayan. en_US
dc.language.iso other en_US
dc.subject Seafood sources workers en_US
dc.subject Philippine mussel industry en_US
dc.title Mula buhay salat, tungong buhay sapat: ang pampolitikang ekonomya ng industriya ng tahong sa Bacoor, Cavite at ang papel ng likas-kayang kabuhayan kontra-kahirap en_US
dc.type Thesis en_US


Files in this item

This item appears in the following Collection(s)

Show simple item record

Search DSpace


Advanced Search

Browse

My Account