Abstract:
Ang aquaculture ang pinakamabilis na lumalagong sektor na nabibigay pagkain, at ang guso ang isa sa mga pangunahin nitong produkto. Isang malaking industriya ang nasa likod ng guso dahil sa carrageenan na ginagamit sa maraming industriya. Ang Pilipinas ay isa sa mga pinakamalaking nag-aangkat nito sa buong mundo. Ang bansa ay kumikita ng dalawang bilyong piso kada taon mula sa industriya ng guso. Bagamat malaki kinikita ng bansa sa guso, hindi naman umaabot ang malaking kita at kaunlarang ito sa mga maliitang mangguguso. Sa Brgy. Mantatao, Calape, Bohol, nagsisilbing pandagdag na kabuhayan ang pagtatanim ng guso sa pangingisda, paninisid ng iba pang yamang dagat at paggawa ng mga lambat. Sa nasabing lugar, 17 na mangguguso ang nakapanayam. Ang pag-aaral na ito ay tatalakayin ang pagtatanim ng guso sa erya, ang mga isyu sa pagtatanim, at kwento ng ilang mangguguso upang ilahad at suriin ang naging sosyo-ekonomikong epekto ng pagtatanim ng guso sa kanilang kabuhayan. Nakita na nakatutulong sa kanilang sosyo-ekonomikong kalagayan ang pagtatanim ng guso. Gayumpaman, maraming beses nilang tinalikuran ang kabuhayang ito. Dagdag pa rito, mas pinipili ng mga mangguguso na manatiling pandagdag kabuhayan lamang ito sa pangingisda sa kabila ng nagiging tulong nito at hindi magsilbing kanilang pangunahing kabuhayan sa hinaharap.