dc.description.abstract |
Buhay-ekonomiya ang terminong tumutukoy sa dominasyon ng gawaing pangkabuhayan sa buhay ng isang manggagawa. Para sa pag-aaral na ito, binigyang pansin ng mananaliksik ang “buhay-ekonomiya”– ng mga dyipni drayber, ang mga sosyal, at politikal na kalagayang kinapapalooban nito, at ang nagbabagong sistema ng kitaan at mga relasyong hatid ng pakikisalamuha ng dyipni drayber sa kapwa niya drayber, sa kanyang opereytor at sa samahang kanyang kinabibilangan. Partikular na binigyang pansin ng pananaliksik ang mga public utility jeepney (PUJ) drivers na miyembro ng alinman sa dalawang samahan sa ruta ng Santa Ana (Tulay)-Padre Faura. Napatunayan sa mga panayam, focused group discussion, photo elicitation interviews, mini street ethnographies, at mga tala (mula sa obserbasyon) ng mananaliksik na ang buhay dyipni ay mahirap at walang kasiguruhan. Marami sa kanila ay maibibilang pa nga na maralitang tagalungsod. Tulad ng maraming Pilipino na nasasadlak sa kahirapan at kawalangkasiguruhan, maraming mga dyipni drayber ang ganoon din. Ang mga ito, at ang mga relasyon at sistema ng pagkita na iniluwal ng mga kondisyon sa ruta, ay sumasalamin lamang sa antas ng pag-unlad ng bansa: eksklusibo, at malayo sa abot ng mga ordinaryong mamamay |
en_US |