dc.description.abstract |
Ginagalugad ng pag-aaral na ito ang ugnayan sa pagitan ng sektor ng kababaihan at ang pagkakaroon ng mga maaayos na kalsada o farm to market roads sa ilang lugar ng Bulakan at ilang barangay sa Hacienda Luisita. Nangingibabaw dito ang iba't ibang usaping may kaugnayan sa sosyo-ekonomikong pag-unlad ng mga kababaihan. Tinatalakay din nito ang mga pagbabagong naidulot sa kanilang kita, kalusugan, kapaligiran at pampulitikang kamalayan buhat ng magkaroon ng FMR. Ang pananaliksik ay isinagawa sa pamamagitan ng pinaghalong pamamaraan ng qualitative at quantitative na metodolohiya. Nakipag-usap ang mananaliksik sa iba't ibang opisinang may kaugnayan sa paksa. Nagsagawa rin ang mananaliksik ng survey sa mga kababaihang nakatira at naapektuhan ng pagpapagawa ng FMR. Nilayong maipakita ng tesis na ito kung paano madadalumat ang isang simpleng kalsada bilang tagapaghatid ng kaunlaran sa pamumuhay at kabuhayan ng mga kababaihan. Sa huli, natuklasan na malaki ang naiambag ng pagkakaroon ng maayos na kalsada sa pag-unlad ng kondisyon ng mga kababaihan. Ipinakita ito sa pagtaas ng kita, pagtaas ng akses sa mga batayang serbisyo tulad ng edukasyon at serbisyong pangkalusugan, pagbibigay-buhay sa mga bagong negosyo at kabuhayan sa kanayunan, at ang pinabilis na modo ng transportasyon para sa mga kababaihan. Binubuksan din ng mga resulta ng tesis ang isa pang malawak na diskusyon at debate ukol sa pagpapataas pa ng partisipasyon ng kababaihan sa mga proyektong pangkaunlaran tulad ng mga FMRs sa pamamagitan ng konsultasyon at pageengganyo sa kanila na makasali sa empleo at sa pagpapanatili ng kondisyon ng kalsada sa kani-kanilang mga lugar. |
en_US |