Abstract:
Tinalakay ng mananaliksik ang kasalukuyang kalagayan ng mga out-of-school youth sa Imus at ang mga programang inimplementa ng lokal na pamahalaan ng Imus at ng Kagawaran ng Edukasyon para sa kanila. Sa pamamagitan ng mga interbyu sa mga kinatawan ng munisipyo ng Imus at Kagawaran ng Edukasyon dibisyon ng Imus, Cavite, datos at dokyumentong nakuha mula sa mga tanggapang nabanggit, at sarbey sa mga outof-school youth upang makita ang opinion nila ukol sa mga programa ay nakita ng mananaliksik ang ilan sa mga pangunahing problemang kinakaharap ng mga programa ng mga kabataan: kakulangan sa pondo, espasyo, kagamitan, at mga boluntaryong guro para sa mga kabataang tumigil na sa pag-aaral. Batay sa mga naging resulta ng pag-aaral ay nagbigay ng konlusyon at rekomendasyon ang mananaliksik.